Okay lang ba sa foam namin pinag lalaro si LO ?
Hi! Okay lang po ba na sa foam namin pinag lalaro si LO ? Same kami ni hubby paranoid eh. Ayaw namin sya pag laruin sa playmat lang kasi natitigasan kami at baka ma untog sya. Hindi kaya makaka apekto sa milestone nya kung sa foam ang playground nya. Nakaka upo naman na sya without support pero bigla bigla nalang sya hihiga later on. ( kaya sa foam namin pinag lalaro ) hindi nya pa kaya bumagon para umupo kaya kami pa ang nag papa upo sakanya. kaya nya na rin tumayo pag hinahawakan ko sya pero yung sya mismo tatayo hindi pa . Gulong gulong lang sya at hindi pa nag cra-crawl . 8 months na po sya. Sana may makasagot kung okay lang sa foam sya mag laro. Meron kasi akong nabasang comment na sa playmat daw pag laruin para tumibay ang buto. #advicepls #pleasehelp
Đọc thêmDi nag roroll over mag isa pero pag naka tummy time kaya nyan bumalik sa pagkaka higa.
Hello mga mommies, 6 months na baby ko nung 4 months sya marunong na sya tumaob pero pag dating ng 5 months ayaw nya na at di nya na ginagawa so pinag tutummy time ko sya pero every time na mag tutummy time sya ibinabalik nya sarili nya sa pag kakahiga. I’m worried po kasi baka late na po yung milestone nya. meron po ba dito na ka experience ng ganito ? #pleasehelp #firstmom #advicepls
Đọc thêmMasama ba laging karga si baby?
Since newborn till now na 6 months na sya madalas ko syang karga lang kasi ayaw nyang matagal nakalapag. Laging nag papa karga. Nakaka apekto po ba yun sa milestone ni baby like sa pag upo nya or matutong mag gapang at mag lakad ? Ang alam palang ng baby ko ngayon is umupo ng may support pero di rin sya tumatagal kasi nag papabuhat na sya agad. Dumapa pero di rin natagal kasi bumabalik sya sa pag tihaya. Okay lang bang karga sya ? Sakin wala naman problema lagi syang karga kasi sya lang inaasikaso ko. Worried lang ako baka masama sakanyang pag laki ang karga lagi. #advicepls #firstbaby #firsttimemom
Đọc thêmPaano malalaman kung sapat ang nadedede ni baby ( 3months old EBF )
Hello paano po kaya malalaman na sapat na dedede ng baby? Lately kasi napapansin ko na hindi na sya gutumin po. Tapos yung diaper nya hindi na ganun kadami umihi pero umiihi pa rin po sya at poops every 3 or 4 days. dati mas madami syang umihi nung di pa sya nag 3 months. #firsttimemom #breastfeed
Đọc thêmPangangati ng katawan 2 months after giving birth
Hello meron po ba dito nakaranas na bigla nalang nangati ang katawan 2 months matapos mnaganak? pagka 2 months kasi ni Baby bigla ko nalang to naramdaman wala naman po akong binagong sabon or watsuever basta ko nalang po ito naramdaman. Pa bugso bugso lang po yung pangangati nya basta bigla nalang ako mangangati sa kahit saang part ng katawan ko. #pleasehelp #advicepls
Đọc thêmHello after po kasing bakunahan baby ko na 2 1/2 months. Kinabukasan sinipon po sya penta po bakuna nya at polio. Hindi po nilagnat baby ko pero ayun nga po sinipon sya ano po kaya magandang gawin para matanggal ang bara nya sa ilong ? Bawal pa daw mag gamot si baby e, vitamins lang pinaiinom ko ngayon ceelin at nutrillin. #pleasehelp #firstbaby #firsttimemom #advicebestremedies
Đọc thêmFeeling ko mali ang pag aalaga ko sa anak ko FTM ako at wala akong parents na malapitan to guide me at yung inlaws ko sa hubby ko is mga senior na mahihina na. Kaya kaming dalawa lang ng asawa ko ang nag aalaga sakanya kagabi habang nag papa dede ako nabulunan sya na to the point na nakita ko anak ko na nahirapan huminga nag perform agad ako nung napanood ko sa YT pag na chochoke ang baby at thank god umokay naman sya pero naiyak talaga ako dahil feeling ko kasalanan ko bat ganun kasi pagod na pagod ako naka upo ako pinapadede sya nakapikit ako saglit kaya nagising ako na chochoke na sya. Yung hubby ko sya nag aalaga sakin like wala akong ibang ginagawa bukod sa pag aalaga kay baby at pag linis ng katawan ko at kakain nalang ako pero super pagod na pagod po talaga ako hindi ko alam paano gawin yung sinasabi nilang sabayan matulog si baby e pag natutulog sya panay check ako kung humihinga sya ng maayos ang ending di ako makatulog ng maayos . Mahirap pala pag walang magulang 🥹 sana kayanin ko ang stage na to ! Kasi ayaw ko mawala takot din akong maranasan ng anak ko nang walang nanay pag laki nya. ( feeling ko kasi nabibinat na ako, dahil nilalagnat ako 1 week na at spotting) #firsttimemom
Đọc thêmLaging nabubulunan si LO pag dumedede 2months old.
Hello EBF po ako at everytime po na dumedede si baby sakin kahit naka elevated na position nya nabubulunan pa din minsan natatakot ako kasi parang nahihirapan sya huminga. Kinakarga ko sya ng parang patayo at tap ang likod. Ask ko lang ano pwede gawin pag nabubulunan si baby tama po ba ginagawa ko? thank you !! Kelangan ko rin po ba ipaconsult si baby sa pedia just to make sure na walang gatas yung baga nya? Yun kasi ang mas kinakatakot ko since madalas sya mabulunan. #firsttimemom #advicepls #firstbaby
Đọc thêm