April Garcia profile icon
VàngVàng

April Garcia, Philippines

Contributor

Giới thiệu April Garcia

Preggers

Bài đăng(9)
Trả lời(9)
Bài viết(0)

Mother in law

Just sharing 😔 May positive at negative talaga pag malapit kayo nakatira sa in-laws mo. Hays. Sobrang nakaka stress. Workaholic talaga ko before ako magka baby. Noong ilang months palang si baby breastfeed sya kaya pina stop muna ko ni husband sa work. And ngayon na 1yr old na si baby formula milk na sya. Kinausap ko biyenan ko na kung pwede alagaan nya si baby kasi mag wowork ako mag bibigay nalang ako ng pera sakanya kada sahod at bigas. Di naman alagain si baby ko, kasi basta naririnig nya yung cocomelon and may milk sya okay na sya. Sabi ng biyenan ko, ayaw nya kesyo daw ganto, ganyan at kaya nya daw kitain yung ibibigay ko sa isang linggo lang. Ayaw naman ni husband kumuha ng ibang mag aalaga kasi daw pandemic mahirap na. Naintindihan ko naman sya sa part na yun. And now, kung anu anu sinasabi ng biyenan ko sa mga taga lugar namin tungkol sakin na kesyo madamot daw ako sa pera at sa pagkain. At sinabi nya pa sa husband ko na madamot daw ako kahit may pera. Paano ako magkakapera, wala akong trabaho yung sinasahod ng husband ko hindi pa nga enough samin sobrang higpit sinturon na nga ginagawa ko para mapag kasya samin yung sahod nya. Pag may extra naman akong pera sinasagot ko pagkain nila, pag nag papadala parents ko sakin ng pera pag walang wala talaga ko nagbibigay ako sakanila. Nung pumasyal parents ko samin may dalang bigas at mga pagkain, vitamins hinati ko samin at para sa biyenan ko. Ngayon, di lang talaga ko makapag bigay kasi sabay kami ng husband ko nagkasakit at si baby wala sinahod si husband. Sobrang sakit lang sa part ko na kahit anu palang gawin ko may masasabi at masasabi pa din na di maganda. Nag offer pa ko sakanya na mag tindahan sya para may pagkakitaan sya kahit papano ayaw nya din kasi daw lugi sa pamasahe, malayo palengke, mabigat daw. By the way, hindi pa ganun katanda biyenan ko wala pang senior sobrang lakas pa at kayang kaya pa makapag hanap ng pagkakakitaan. #justsharing #1stimemom #MotherInLaw

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi