Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon to be a mom
Papangipin na ba?
Yung baby ko po mejo may sinat. 37.4 po. Tapos medyo nang gigil siya then wala din gana mag gatas. Ano po kaya ito? Worried po ako kasi madali siya mairita gang sa iyak ng iyak. Turning 5 months po siya bukas. Salamat po sa sasagot. God bless.
Welcome baby!
nanganak na ako mga momsh! BABY GIRL ? Welcome baby Alessia R. Ganzon ? EDD: April 27, 2020 DD: April 26, 2020 (1:25 am via CS) Kg: 4.08 ? Thanka God nakaraos din ??
lalabas na ba?
hello mga momsh due date ko ngayon pero yung pananakit ng puson ko may 1-2 minutes interval. Brown discharge din. Kaninang umaga yung ihi ko magdamag may dugo. Kanina naman may buo ng brown na may kasamang dugo. ano po ba ibig sabihin nun? Salamat po sa sasagot ??
Cure
Nakakastress na po ?? Kahit na i apply ko mga pam paalis ng kati maya maya meron na naman. Sino po kagaya ko dito. 39 weeks and 5 days preggy na ako ngayon lang nagsilabasan ? ni hindi na ako makatulog ng maayos, di na rin ako makapagdress sa dami ng tumubo sa katawan ko. ??
Pangangati sa katawan
Sino na pong nakaexperience nito? Sobrang kati lalo na sa gabi. ano po pwedeng inumin o i apply para mawala? Apat na araw na po kasimg ganito ?? Salamat po sa makakapansin ?
red spot
may red spots na pong lumalabas pero pakonti konti, 3 days na po. 38 weeks and 5 days preggy po. Ano po ibig sabihin nun? salamat sa sasagot. God bless.
labor sign?
Normal lang po ba yung parang bumibigat yung part na malapit sa puson? 38 weeks and 3 days pregnant po. salamat sa sasagot. God bless ?
mga momsh normal ba yung parang bumibigat malapit sa puson? 38 weeks and 3 days pregnant po. thanks sa sasagot
stretchmarks
Mga momsh ano pwede i apply dito? kapag kasi kinakapa ko mga stretchmarks ko makapal siya dahil siguro sa kakakamot. Ano po ba pwede i apply? 37 weeks and 6 days preggy po. Thanks in advance. God bless ?
Pain
sino na pong nakaranas ng pananakit ng dalawang hita dito? yung malapit po sa may singit magkabilaan. Solid po kasi yung sakit na sobrang hirap umupo at tumayo. ? Nahihirapan na din akong magsuot ng pang ibaba dahil tuwing itinataas ko po mga hita ko para isuot napakasakit po. 37 weeks and 4 days preggy po ako. Salamat sa makakapansin.