Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of Aia ❤️
Matigas poop ni baby
Hello mga mamsh. Tanong ko lang po ano po kaya pwede gawin kasi ang tigas po tae ni baby ko, 7months po siya. Minsan may konting dugo pong kasama :(((( Thank you po.#advicepls
Di makatae si baby
5days na po di tumatae si baby ko. 2months and 9days old po siya. Pure breast feed. Ano po ba gagawin para maka poop na siya? 😢
Butlig
Hello mga mamsh. Ftm po. Normal lang po ba tong nasa ulo ng baby ko? Butlig siya na may liquid sa loob, nung pinanganak ko siya may ganyan na siya.. normal lang ba to? Mawawala din? 11 days old po siya.
Softdrinks
Hello mga mamsh! Na CS ako nung May 3, 2020, hindi pa ako nakakadumi. Pwede ba uminom ng softdrinks na hindi malamig???? FTM po.
Welcome to the real world
May 3, 2020 11:27pm 2.7kgs Marience Aia Enriquez May 2 9am nag start na ako mag labor, na admit May 3 ng 9am. 4pm naging 4cm, pag dating ng 6pm naging 5cm sobrang sakit na niya. Grabe. Tapos bandang before 10pm grabe na yung hilab kasi 8cm na pala, bigla na din pumutok panubigan ko kaso may kasama ng poop ni baby. Ni IE ako ang sabi medyo matigas pa cervix and pinairi kaso hindi bumababa si baby. Pag inantay pa daw maging 10cm baka makakain ng dumi si baby so ang ending, CS. Grabe hirap pala mag normal, labor palang sobrang hirap at sakit na talaga. Pano niyo nakaya mag normal mga mamsh? Huhuhu. Hindi ko kinaya hilab nung 8cm na di ko na alam gagawin ko namimilipit na ako sa sakit. Pero okay na din na na CS buti walang nangyari sa baby ko.
Labor
2cm na ako kaninang 12mn. Di muna ako nag pa admit. Grabe sobrang sakit na. Every 10mins yung sakit pababa sa puson. May 3 EDD ko. Sana lumabas na si babyyyy. Any suggestion po para mabilis bumuka cervix bukod sa pag lalakad at inom ng primrose?? Huhuhu
Labor??
Mamsh eto na ba yun? Tumitigas tiyan ko tapos biglang hihilab tapos yung sakit umiikot sa balakang, nag spotting na din ako pero light lang at konti. Every 10mins interval ng sakit. 39weeks and 6days ako now.
Paninigas ng tiyan
Hello mga mamsh. 39 weeks and 6days na ako. Nagtetake ako primrose 2weeks na. Normal lang ba na tumitigas yung tiyan tapos parang humihilab?? Tolerable naman pero nagigising pa din ako sa sakit. Sign na ba to na malapit na ako mag labor???? FTM po. May 3 po due date ko, pero sa UTZ ko May 12.
39 weeks and 4 days no signs of labor pa rin. Nakakapraning na. ? Kumusta mo mga mamsh na manganganak ng first week of May, nag lelabor na po ba kayo? Ftm po.
No signs of labor
39weeks and 2days na ako pero no signs of labor pa din ? 8days na ako umiinom evening primrose pero wala pa din. May 3 due date ko. Any suggestions po ano gagawin??? FTM po.