

Mommies, penge naman po advice. Naguguluhan na kasi ako. FTM po ako, me as a practical mom mas gusto ko po manganak sa lying-in nalang. Nung una sa center ako, pero lumipat ako sa semi-private lying-in kasi di ako masyado natutukan sa center. Then ngayon naman po, na nasa semi-private ako, 5 months na ako nung sinabi na hindi sila tumatanggap ng philhealth sa 1st baby. Kung walang philhealth is 18k na parang nanganak din ako sa hospital, then binigyan ako choice na kung gusto ko 8k nalang babayaran ko pero iddeclare nila sa philhealth na 2nd baby ko na 'to and nagka miscarriage nako sa una para maconsider na 8k lang babayaran ko. Hindi ako pumayag sa 18k at hindi din ako pumayag na ideclare na 2nd baby ko na kasi baka in the future magkaproblema pa kami sa records. Ask ko lang mga mommies. May mga lying in po ba na tumatanggap ng philhealth sa 1st baby or sa 2nd baby palang po talaga pwede gamitin si Ph? #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby
Đọc thêm





