Hello mommies! Sino po dito ang may PUPPP rash or nagkaroon na? Would like to ask pano nyo naconfirm if PUPPP rash nga talaga sya na dala lang talaga ng pagbubuntis and hindi ibang type ng rashes na pwede makaapekto kay baby? Yung sa case ko kasi nagstart ako magkaron ng red bumps sa stretchmarks mismo then kumalat na kakakamot. Nagspread na sya sa butt, legs and arms ko. Kapag di sya makati puro red lang na bumps pero pansin ko parang nagiging hives yung iba kapag nakakamot. Wala ako other symptoms like fever, fatigue, ubo or sipon, sakit ng lalamunan, or other symptoms pa na pwedeng masabing baka measles sya or other viral exanthem. Kayo din ba same case with me? Thank you sa sasagot.#firsttimemom #advicepls #FTM
Đọc thêm








