Birthclub: Oktubre 2025 icon

Birthclub: Oktubre 2025

20175 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

Please I need some thoughtful advice.

Hello. I'm currently 22 weeks pregnant with a 2 year old toddler. Sorry but I need to hide my identity. Before I start, nag work ako sa Milk Company as a TL nung January and generally need ng medical, di naman nakita na buntis pala ako kaya gladly nakapag start ako January 14. After days ng pasok, nakakaramdam nako ng hilo at sakit sa tyan, and nung nag PT ako clearly 3 test nag possitive. So in short, nabigla ako, natulala, umiyak, unexpected. After 2 years unemployed - ito simula na naman ako sa umpisa. Umiyak ako kase lahat ng plano ko para sa amin, babawi ako, mag iipon, at para ibigay lahat ng needs and wants ng pamilya ko na 2 years kong pinangarap gawin at ayun hindi ko na naman magagawa. I feel so disappointed at my part. Kasama ko asawa ko habang nagppt with videos and my husband was so happy, magkakaroon na daw ng kapatid yung anak namin at dun ako sobrang umiyak. He asked me bakit hindi kaba masaya? Ang sabi ko hindi pa ko handa, yun lang ang sinabi ko at iyak nako ng iyak. Nasa utak ko nung time na yun, paano yung mga plano ko, yung pangarap kong bumawi sa asawa ko, sana dina muna. Niyakap nya lang ako at sabi nya, wag mona munang isipin yun, isipin mona lang may kalaro na si baby. Sabi nya pa ngayon lang yan, at normal lang na maramdaman mo yan pero pag lumabas na si baby at nakita mo sya magiging worth it lahat ng to. Alam nya kung anong iniisip ko kase gustong gusto ko ng mag work nun at imagine wala pang months iistop na ulit ako mag work. Sobrang selan at suka ako ng suka nung time na yun. Masakit ang puson ko palagi kaya sabi ng asawa ko need ko ng umistop ako sa trabaho February 10. Natatakot din ako dahil I have history of miscarriage in our first baby, so resign ako February 15, 2025. Sa ngayon aaminin ko diko parin maiwasan umiyak at mag isip paano kaya kung di ako buntis? Ang hirap ng gastusin lalo ngayong maselan ang pag bubuntis monthly check up and vitamins. Pero sa kabila ng lahat malaking pasasalamat ko sa asawa ko dahil di nya pinaramdam sakin na mag isa lang ako, alam nya kung anong galaw at iniisip ko. Yun lang gusto ko lang ikwento ang pregnant journey ko on my 2nd baby. Need some advice narin po. Salamat.

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết