Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
31532 Người theo dõi
Pag poops kasabay ng pag sakit ng puson.
hi mga mommy, ask ko lang sana if normal ba sa buntis na kapag poops na poops kana tapos nairi mo konti then nasabay yung puson sa sakit pero saglit lang? di naman sya totally nag tatagal, kumbaga nabigla lang then nawala din agad. normal kaya sya? 6 months preggy here. 🙂
Pagmamanas
Normal po ba magmanas kamay at paa 6months preggy po ako ,ano po pwede gawin ? Thank you😊
Newborn needs
Hi mommies. Ftm po. Ask ko lang po ano po ba yung mga need para bilhin sa newborn baby. Hindi ko po kasi alam kung anong mga kailangan bilhin.
Gender at 23 weeks
Sure na po kaya? Taken at 23weeks during CAS
(Fetal hydrops, edema, thickened nuchal tranculency)
Palabas lang po ng nararamdaman ko. Sorry kung mapapahaba.🥺♥️ Gusto ko lang talagang ilabas tong nararamdaman ko kasi parang hindi ko talaga kakayanin and takot/ ayaw ko magshare sa iba dahil alam ko na may iba sa kanila na hindi ako maiintindihan. Kaya dito nalang. Meron akong isang anak na baby boy and 3 years old na sya now ok naman sya sobrang healthy, and netong feb. lang nalaman ko na delay ako so agad agad akong nag pt 2 para sure, and positive nga sya. Nagpacheck up agad ako kahit na 5 days delayed palang kase positive naman yung nasa pt and regular ako nagkakaron. Tapos nun 1rst ultrasound ko is sabi ng doc ok naman lalo na yung heartbeat nya pero meron to follow up na (thickened nuchal tranlucency) sabi nya nun wla naman daw kaso ,🥺 derecho check up nako nun sa lying in ako nagpacheck up since dun din ako lagi nagpacheck up sa first baby ko. Pinakita ko yung ultrasound ko and sabe naman nya sa result about nga dun sa thickened is kung may lahi ba daw na kuba? Sabi ko wala naman po. Then after that paguwi sa bahay, yung result sa ultrasound ko is nagsearch ako sa google, and sobrang nalungkot ako kase possible na kaya lumalaki yung batok ni baby which is yun nga yung( thickened nuchal tranlucency) is possible na ds yung baby ko pero nagstay positive lang ako nun kase meron din naman ako nabasa na mga ilang mommies na nung 2nd ultrasound nila is naging ok din naman, so naging panatag ako na baka magbago din yung akin. Buong 1rst trimester ko di ko mapigilan na mag-isip kase naawa ako sa baby ko if ganun nga ang result inisip ko agad paanonyung future nya? Mabubully sya etc, pero inisip ko nalang nun kung yun ang ibibigay ni lord tatanggapin ko kasi di lang naman ako ang magdadaan sa ganun marami and tinanggap nila and sobrang bless nila. Tapos ayun na nga mga mii kahit wala sinabi yung midwife na magpaultrasound ako, nagpaultrasound parin ako kasi gustonkonmalaman if may nagbago na ba? And sobra sobra akong nasaktan sa result, na accept kona nga yung first result pero meron pa palang mas ikakasakit, pagkalagay palang ni doc sya tyan ko kita ko na agad yung reaction nya na feeling ko negative ang result. Ito na nga nakitaan si baby na may tubig sa lungs, fetal hydrops, and edema. Sobrang sakit mga momsh, sabi sakin ng doc si ob nalang ang magpapaliwanag and kapag lumabas sya marami pang problems na makikita. Parang gumuho ang mundo ko nun natutuliro ako. Kung pwede na saakin nalang e. Pag uwi sa bahay nag search ako agad kung ano bayun dito ko na talaga nilabas lahat. Na kapag fetal hydrops is low chance lang sila maka survive it's either before or after birth kung mailabas ko man konting oras lang yung itatagal Sobrang sakit mga momsh, yung napapanuod ko lang minsan dito sa facebook or tv pero di ko aakalain na mangyayari din pala sakin, napapanuod ko palang sabi ko if sakin magyare hindi ko kakayanin.🥺🥺😭😭 Sobrang sakit mga mii. Di ko maisip na mawawala sya na akin kasi ito ramdam na ramdam ko pa syang sumisipa, sobrang active, hindi ko naiisip na mawawala sakin anytime.😭😭😭 Ang sakit sakit.😭😭 Nung pinabasa ko na din sa ob ko ganun parin. Tinanung nya ko if magkaiba ba kami ng bloodtype ng parter ko pero parehas lang naman kaming o. If magkakaiba daw nagtatalo daw and naaagaw ni baby. And kung may sakit ba daw ako like sa heart sa lungs pero wala din. And ayun nga dahil yun sa chromosoms na hindi nag meet ng maayos. And walang cure duon kundi magwait and accept nalang. Naiiinggit ako sa mga kasabay ko magpacheck up naririnig ko na normal yung sa kanila tapos ako mag-aantay nalang.😭🥺 Ang sakit sakit mga mii. Yung tipong nag-uumpisa palang ako bumili ng gamit pero hindi ko lubos maisip kung magagamit ko ba? 🥺😭 Hugs mga mii. 😭🥺 sorry kung napahaba. Gusto ko lang din mailbas. 🥺
Hello mga mhi. Ftm here
Mga mhi. Ayan result ng ultrasound ko. Malaki ba sa baby para sa 6 months 727g ?? Worried kase ako ang laki daw ng tyan ko baka daw ngkamali ako ng bilang e tanda ko naman LMP ko. Malakas lang tlga ako kumain.. Ayos lang ba lahat ng result ??? FTM here. Slamat.mga mhi
Skin care na pwede sa buntis
ano pong skin care pwede sa pregnant sobrang dami kopo kaseng pimples
pananakit ng puson
normal lang poba yung pananakit ng puson 4months po tummy ko,thankyou po sa sasagot🥺❤❤
Biglang taba during pregnancy
Share lang ako mamsh regarding sa kondisyon ko now. Ako lang ba o kayo rin mga mamsh ang nakaka-experience ng lungkot. Yung tipong okay ka naman pero feeling mo nag iisa ka, ngayon ko lang naexperience to at parang soon bibigay nako di kona kayang pigilan hindi umiyak. Diko alam dahil ba to sa naririnig ko na "tumaba kana" "ang taba mo" "pumangit kana" "baboy kana" hindi ba nila alam ang feeling ng isang buntis. Sabihin ng sensitive ako pero nakakasakit na kasi ngayon ina-isolate ko sarili ko from other people para wala nalang akong marinig na ganun. Nakakasad lang.
DIET DIET AT 23 WEEKS
Hello mga mi. Pa suggest naman ano mga dapat kainin pag pinagda diet ni OB. Pinapag diet kasi ako kasi tumaas masyado timbang ko. Super lakas ko pa naman sa kanin lalo pag mainit yung kanin. Suggest naman kayo ng pwedeng gawin at kainin. Salamat po