Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
25994 Người theo dõi
Contraceptive
Hi mga mommie’s ano po bang pwede or bagay na contraceptive sa nag papa dede ? #2months
Normal lang po ba yung parang nanginging ung both legs then yung arms na parang kumakaway kaway pag
Tulog si baby 3weeks old palang
JOB interview
Mga mi, ilang buwan po pwede bago mag trabaho pag cs po? May job interview po kasi ako kaso wala pang 2 months akong nanganak. Nanghihinayang naman ako kasi 1 year mahigit ko inantay ang application ko dun.
Plan for Back to Work
Mga momsh ask ko lang ilang months kayo bago bumalik sa work industry, End of contract kasi ako sa previous job ko hindi ako inabsorb dahil halatang umiiwas ang company sa maternity compensation even ginawa ko ang role ng 2employee na umalis sa kanila noon. Anyway, may nag job offer kasi sa akin malapit lang sa amin and hindi mahirap ang byahe, ang problem ko is sapat na kaya ang pahinga ko na 1 month and half? Breastfeeding mom din pala ko, inaral kona din ang proper storing ng breastmilk, really need ko mag work mga momsh dahil sobrang sakit sa isang ina na nagkukulang sa pangangailangan ang mga anak. May asawa naman ako pero hindi niya kayang sustentohan mga anak namin ng maayos, nakatira siya sa magulang niya at ako dito sa magulang ko naman, literal na sandal ako sa magulang ko dahil nakikita nila kung gaano ako naghhirap sa poder ng asawa ko lalo na kapag may mga sakit akong nararamdaman kaya kinuha nila ako kasama mga anak ko. Parang hangin lang ako na nagsasalita kapag may iniinda ako sa asawa ko simula noon. Nakakahiya na sa magulang ko dahil ginagampanan nila ang ibang pagkukulang sa mga anak ko. Kaya mas ggustuhin kona magtrabaho agad dahil unti unti nagiging hindi maganda sitwasyon ng mga anak ko hangga't hindi ako kikilos ulit :(
Pagmumuta ni baby kulay dilaw parang sore eye normal lg ba?
Mga mommies naranasan din ba to ng mga babies nyo ang pagmumuta? Una, watery lumalabas sa left eye nya then mamaya magkukulay dilaw na ito na nakatakip sa pilikmata nya. Pero naoopen nya naman mata nya kahit may time na puno ito ng muta. 28days old ngayon si baby. Sunday pa pala nagstart ito so mag aapat na araw na ito bukas. Normal lg ba ito? Mostly ilang araw bago nawawala ito? At anong home remedies ang pwede gawin?
pano ba mg patulog ng newborn? ng mahimbing hehe nahihirapan ksi ako konti lng tulog nya plagi
tapos gusto nya oras2 nipple ko nasa bibig nya any tips?
Okay lang ba paliguan si baby na bagong gising sa nap time niya? Umiiyak pa ba baby nyo pag naliligo
1 month old si l.o
Mix feeding
okay lang po ba imix feed yung baby kahit 1 month pa lang? Di po kasi siya bumibigat kapag breastfeed lang tsaka gusto niya lang pong laging nakasuso sakin.
SIPON 1 MONTH OLD
Mga mi, ano po pwedeng gawin sa sipon ni baby. Medyo barado po ang ilong nya. Balak ko sana ipachek up pero nag research ako salinase lang at nasal aspirator mosltly ginagamit para mawala sipon ni baby.
ilang buwan ba dapat paliguan ang new born? 1mnth bawal badin ba?
aks lng po ty♥️