Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
11475 Người theo dõi
hirap pakainin si baby
hello po, ask ko lang po kung my same case tulad sa baby ko 18months napo siya ang hirap napo niya pakainin now pero po dati super lakas nya kumain lalo napo ng rice ano po kaya possibilidad bakit ayaw minsan kumain ng bata, malakas po siya dumede sakin pure breastfeed po siya
Pasagot po please
1yr ako sa injectable then nag switch into pills ng 5months then hininto ko muna for reason mga 1week ko nang nahinto then nag DO kmi ni hubby may possible ba na mabuntis ako agad ?
Pagtatae ba o pag ngigipin .
May sinat at sipon SI baby. Tapos Nung Isang Araw nag take Ng Isang beses. At kahapon ganun din. Tapos Ngayon dalawang beses. Pinainom Kona Ng erceflora. Hindi ko alam kung pagtubo Ng ngipin Ang sanglhi Ng pagtatae or bumalik Ang amoebiasis
Meron na po b dito na 1week po di ngpopoop si baby 1yr old na po anak ko 3-5 days po sya bago mgpoop
Papacheck up ko na din po sya .. ngtanong lang po ako kng may same case po dito
trust pills safe ba talaga?
safe ba ang trust pills gamitin
postpartum
simula nung nanganak ako last week, hindi pwedeng hindi ako kikilos. pang 2nd baby ko na to. since breastfeeding ako, sobrang nahihirapan talaga ako. sa paggising sa madaling araw, sa pagpapaaraw at sa pagpapaligo. hindi ko nakukumoleto yung 8hrs na tulog araw araw. sasabay pa yung panganay ko na 1yo na mahigit. minsan naawa ako sa panganay ko, miski sa pagtitimpla ng gatas, di ko na magawa. kasi minsan nagpapadede ako or inaasikaso ko newborn namin. tapos nakita ko kagabi napakahaba ng kuko at napakadumi, kaya ginupitan ko. kaya minsan late ko na siya napapaliguan. yung asawa ko naman since nanganak ako nagfile siya ng paternity leave na 1week + sinabay na yung 1 week suspension niya. parang nahihiya din ako magutos ng magutos sakanya. kaya yung ibang gawain ko sa panganay ko, inaasa ko nalang sakanya. nagagawa naman niya. kaya minsan yung mga kapitbahay dito nagugulat, wala pa daw ako oneweek kumikilos na daw dapat ako, baka daw mabinat ako. wala naman ibang gagawa kung di ako lang. nakabukod po pala kame pero since inaayos yung bahay ng pamilya ng asawa ko, andito po sila lahat. mama, papa, dalawang kapatid niyang babae at yung bf ng kapatid niya. ang kinakainis ko lang po, sobrang ingay ng mama niya, lagi binubungangaan yung asawa ko. yung as in walang tigil kakabunganga. sobrang sumasakit ulo ko kakabunganga. kung hindi naman lagi sakin, na kesyo bawal daw malamig kasi daw sisipunin yung baby kasi breastfeed ako, inumin ko daw yung mainit na tubig, bawal yung gentonh pagkain, kasi wala pa daw akong isang buwan. basta iritang irita na ako, kasi pati ako binubungangaan. nandito naman sila hindi nila matingnan panganay ko. parang ang unfair, lalo na yung sa side ko lagi nagbibugay din ng needs ng mga anak ko. diaper, gatas or grocery, atbp needs/ wants ng anak ko. aminado naman ako may kaya pamilya ko. pero parang palaging di na appreciate ng asawa ko. kaya lagi ko sinasabe sakanya na maswerte kami kasi may tumutulong samen. since 2021 housewife na ako, pero nakakapagprovide pa din ako. 5-7k may monthly income ako kahit nasa bahay lang ako. ngayun naman since wala nga work asawa ko, nagkukulang kami sa budget nagalaw na namen yung savings namin. yung loan niya kasi sa sss nagkaproblema. pinapaasikaso ko na sakanya yung bago ako manganak. kaya ngayun nammroblema kami sa panggastos. since minsan kame din sumasagot ng ulam para samin 8. kuryente, at upa sagot namin, bayaran na naman sa 15 wala namang sasahurin asawa ko. bale 7k monthly yung gastos namin sa upa at kuryente di pa kasama yung needs ng panganay ko. unplanned din pregnancy ko ngayun. gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob 🥺
Pagkakaroon ng Gallstones Habang nagbubuntis
Sino po nakaranaas neto
Pwede po magtanong about spotting
2 weeks after my period nagkaroon po ako ng spotting 1 araw at kalahati ano pong sign yun?
Normal o hindi?
Ask ko lang po. Normal lang po ba na pinapalo ng baby ang ulo o mukha nya ng kamay o kahit anong mahawakan nya? Lalo na pag sinasaway. Thank you sa sasagot. #firsttimemom #advicepls #firstbaby
Pwede na magtake primrose. I buy my own without any reseta from my OB .
Hello mga mi. Pwede po kaya take na Ako ng primrose bumili kase Ako sa mercury since pwede Naman kaht Wala reseta. 37 weeks and 3days. Gusto q na makaraos hehehe. Respect my Question. Thankyou. Sa mga sadagot. 💞