Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
6805 Người theo dõi
TW: Emotional Abuse
Currently 17 weeks pregnant po ako now. Ano po pwede kong gawin o maging action.. need ko po ng payo niyo. Tuwing nag aaway po kami ng asawa ko sobra sobra po niya akong pagsalitaan. Na nauuwi sa sobrang pag iyak at pagwawala ko. Hindi nya kasi inaaccept yung kahit anong explanation kung bakit ako ganon kaya ang ending, nagwawala ako. Yung iyak ko humihikbi na ko pero hindi parin siya natigil sa pagsabi sakin ng masasakit na salita. Gusto ko na po siya hiwalayan at iwan na siya ng tuluyan kaya lang ang hirap kasi dependent ako sa kanya wala akong work at ipon. Wala akong pera. Siya ang provider. Nag umpisa lang ang pag aaway namin kanina nung panget ang gising ko dahil kulang ang tulog ko. Sa umaga kasi medyo grumpy ako. Sabi ko sa kanya pag ganon wag nalang nya ako pansinin o wag kausapin. Pero hindi daw siya mag aadjust sakin lagi at hindi raw sa lahat ng oras is iintindihin nya ko. Nauwi sa pagbabangayan ang away namin. Inexplain ko yung side ko pero hindi nya daw ako need intindihin lagi. Masakit magsalita ang mister ko. Malas daw ako. Wala daw akong kwentang ina. Buang daw ako, baliw… Bakit daw ako ang pinakasalan niya. Lahat ng mga masasakit na salita dahil lang sa panget at mali ang gising ko. Hindi ko alam gagawin ko. Sobrang naaapektuhan na rin baby ko, now sumasakit yung puson ko pero lagi ako check if may bleeding and salamat sa Diyos wala naman as of the moment.. Sa totoo lang, kaya ko naman siya iwan. Kaya ko alagaan at palakihin ang anak ko mag isa if ever lumabas siya. Sobrang tagal na nangyayari to. All the disrespect pero wala akong lakas ng loob para umalis dahil wala akong pera wala akong naipon nung nagwowork ako. Lagi pa nya nababanggit na pabigat ako. Kahit itong buntis ako walang filter mga salita niya.. Hay.. kung meron lang way para kumita ako.. o di kaya company or work na nag aallow ng buntis.. kakayanin ko lahat para sa anak ko.
Nakakastress.
Hello mga ka mommy, sino papo dito hindi nakakapag pacheck up? Im 14 weeks preggy hindi ako makapagpacheck up dahil kakulangan budget dito naman samin sa center pabalik balik ako at hindi lagi available ang doctor hindi ko na alam gagawin ko. Sana tom makapag pacheck up na masyado nako naiistress eh.
NO SYMPTOMS?
meron po ba dito na hindi nakararamdam ng mga normal symptoms of pregnancy? no cravings, no nausea and no breat tenderness? minsan talaga napapaisip nalang ako. 15weeks and 2days preggy po and it's my first baby
Pwede ba yun?
Pwede ba yung hindi ma explain ng ob ko kung bakit ako minsanang nagkaka spotting? Okay lahat ng Laboratories and ultrasound ko. Pwera nalang na may uti ako, iniisip ko baka yun ang cause. Malakas naman ako sa tubig at madalas ang buko. Malakas ang heartbeat. Walang nakitang ano man sa womb ko. Whyyyyy????
Gender reveal
Mga 18-22 weeks po ba pwedi na malaman ung gemder n baby?
15weeks pregnant
Taga balanga bataan ako saan kaya may lying in dito na marerecommend po🥺 gusto ko mag lying jn
LUNAR ECLIPSE
ANO PO DAPAT GAWIN CURRENTLY 15 WEEKS PREGNANT
Normal lang ba for 1st trimester na mag karoon ng mild cramps?
7 weeks preggy base sa last mens ko, sobrang selan din bawat ikakain suka 😭#Needadvice #askmommies
SSS Maternity benefit
Hello moms, last year nakunan po ako and nareject sa sss , then this year preggy po ako, tingin niyo po pag nagayos ulit ako sss ano po unahin ko ifile? sa nakunan po ako or itong pang august po na manganganak ako? #RespectMyPost #askmommies #firstmom
Sino dito nag buntis ng twins?
Sino po dito