Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
35154 Người theo dõi
Weight gain
Hello mga mommies! Curious lang po ako, part po ba si baby sa weight gain natin during third trimester or sa mga kino-consume lang natin(water, foods)? #augustmommyhere
Itim ng kilikili ko. Ano ba remedy or products ginagamit nyo?
#advicepls
6months preggy
Sobrang kirot tagiliran ko bandang left side. Halos payuko na ako maglakad ayaw din ng mabilis gumalaw. Pero normal naman paggalaw ni baby sa tiyan ko. Normal po kaya to?
Toxic relationship
Lagi nalang kami nag aaway ng asawa ko isa lang naman pinag aawayan namin na ang sabe ko wag sya mag add ng mga babae at mag follow lalo na kung hindi naman nya kilala. Pero pag tapos nya mag sorry uulitin nya pa din mga ilang weeks o araw sasabihin nya hindi naman daw nya sinadya napindot lang daw keme. Normal naba talaga sa mga lalaki yun? Kayo ba mga misis hindi nagagalit sa mga mister nyo kapag ganun sila? Ayaw nya ko pag suotin ng mga sexy na damit pero yung mga ni lalike nya sa fb puro mga babaeng hubadera. Pero sa tuwing gagawin kong mag ayos at gayahin yung mga babaeng nakikita ko na parang gusto nya nagagalit sya ayaw nya daw na ganun ako. Tapos sa tuwing inuulit nya yung ayaw ko nagagalit sya kasi hindi naman daw sya sadyan na ma follow ang mga babae. Ako ba ang toxic? Maayos ako makisama pro ayan talaga ang number 1 na ayaw ko yung may mga babae na involved lalo na sa fb lagi nya sinasabe na normal lang daw dahip facebook daw yun at ignorante daw ako at selosa wala naman akong problema sa pakikitungo dto lang talaga ako nawawalan ng mood basta kahit gaano pa kami kasaya may makita lang akong ganun biglang nasisira talaga araw ko. Help paano maiwasan to? 31weeks buntis pala ako ngayon dati nung first baby ko pag nag aaway kami at umaalis ako hinahanap nya ako at hinahabol pero sa second baby ko pag umaalis ako hinahayaan nyako wala daw syang pake sa drama ko at noon nag lalakad lang ako kapag nag aaway kame pero ngayon nag momotor ako pero wala syang pake kaya nya nako tiisin na matulog sa papa ko ng isanng araw. Tapos sabe nya mas gusto nya daw nandun ako sa papa ko kasi na sstress daw sya sakin kasi puro hinala daw ako pero kasi okay naman ako makisama hindi naman ako magagalit kung wala akong nakikitang ayaw ko.
CAS ULTRASOUND
nasa magkano po mag pa CAS? 30weeks pregnant #pregnant #momoftwo
Requirements/documents
Hello, anong requirements o documents po ang kelangan dalhin sa panganganak?
Marriage cert.
hi mga mi. ask ko lang po pwede ba i present sa philhealth ang marriage cert na hindi pa PSA? Maglalakad lang po sana ako para sa philhealth kaso baka maghanap ng PSA na marriage cert :(
Tungkol kay mister
May pag asa pa kaya mag bago yung asawa ko sa tuwing nag aaway kasi kame grabe daig nya pa yung babae mag salita talagang tuloy tuloy na halos lahat ng pang lalait at pang jujudge ay lumalabas sa bibig nya sinasabe nya na wag ko daw sya galitin kasi ganun daw talaga sya magalit at nanakit sya na sa sobrang hindi nya mapigilan sa harap pa ng anak ko at ako naman tong galit na galit din pinapatulan ko sya sinasaktan ko din sya pabalik at sinasba ko diba sabe ko sayo wag mong papakita na sinasaktan moko sa harap ng bata!? Wala daw syang pakelam alam nyo pati anak kong 3 years old kapag naririnig na nag aaway kami lagi nyang simasabe “ wag away mami” 3 years old palang alam nya na sabihin yun at minsan nakita ko pinalo nya tatay nya at umiiyak at sinabeng wag away mami sobrang nadurog ako dun. Till now inaantay kopa din syang mag bago kasi every time na lumamig na ang ulo nya umookay na sya hindi na daw nya uulitin. Okay naman sya makitungo sakin kapag hindi kami nag aaway maayos sya makipag usap pero sa tuwing nag aaway kame grabe sya magalit . Minsan gusto kona syang iwan pero mahal ko din sya at may anak kami katunayan nga eh mag dadalawa na tapos lagi kong nasa isip kahit okay kame pakiramdam ko hindi kame mag tatagal at soon mag hihiwalay talaga kami dahip ganun sya sa tuwing nag aaway kami. Wag nyo po ako i judge.
Hapuin during 7 mons
Mga mommies, sino po dito naexperience na hinahapo during 7 mons? Tapos pag tumitigas ang tyan hinahapo din.
Maliit na baby bump
Sino may same case ko Dito pa 3rd ko na pagbubuntis pero maliit Po Ang tummy 29 weeks n po kami bukas. Mejo worried lang ako sa tuwing napapnsin na maliit tiyan ko ..nakapG pa ultrasound na din Po ko ilang beses ...