Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
35150 Người theo dõi
3 days to go, what to do?
Hi mga momshie. FTM here po. Ano po kaya magandang gawin para bumaba na yung tyan ko? 3days nalang due date ko na yet no signs of labor. Kakastart ko palang magprimrose. Thanky nga momshie! #teamaugust2023 #gbspositive
I need some advice
I'm 38 weeks and 3 days pregnant pero hindi pa bumuka cervix ko po naka ilang primrose na po ako Palagi sumasakit pus-on ko at balakang pero close pa din cervix ko. Second baby ko na po to. Any tips po kung paano bumuka cervix?
Open cervix suggestion
Hello mga mii, I’m 39w2d first time mom here. Hanggang ngayon 1cm pa din any suggestions para tumaas pa siya? I always do a lot of walking and exercise naman pero still no progress. Yung nararamdaman ko naman is paninigas lang lagi ng tiyan and my lumabas na din sakin na parang sipon but wala siyang blood na halo. I know naman na lalabas si baby kung gusto niya na talaga, na ppressure lang din kasi tuloy ako sa surroundings ko lalo na’t excited at the same time kabado mga kasama ko.
Blood Pressure
Mommies normal po ba yung 119/81 na bp? 37 weeks and 2days na po. Nag simula ito kagabi bigla ako nahilo. Nakakaworry kasi. Na stress na tuloy ako kakacheck ng bp ko. Di naman palaging ganyan yung bp, yan lang yung mataas since kagabi.
Mucus plug na po ba ito?
Mucus plug na po ba ito? Should we go to the hospital na? 39 weeks and 3 days na ko and ilang days na rin akong sumasakit Ang balakang at puson pero nawawala rin Naman agad. #FTM
Pananahi bawal nga ba
Bawal ba manahi ang malapit na manganak na buntis
Team August
38 & 1 day na ako , last check up 3cm na .. EDD August 13. nakakaba na nakakaexcite kase malapit na manganak at the same time makikita na ung baby 😍praying for safety and normal delivery ❤️
Philhealth
Hello! Ask ko lang po feb palang kasi nakakuha ng philhealth then ang due date ko is this month. Nagbayad na po kami ng asawa ko ng 1 year payment ng philhealth bali february to jan 2024, magagamit naman po yung maternity benefit pag nanganak na diba? Thank you po RP❤️
Hello po! first time mom ako, bale May pa ako nag-asikaso ng Philhealth hanggang ngayon hindi ko pa rin nakukuha ang id ko ng Philhealth binigyan lang nila ako ng copy ng name ko, Philhealth number, address ko. Tanong ko lang paano po kaya ito kapag nanganak ako, hahanapin po ito sa documents ko 'di ba? August 27 po due date ko
sumasakit na puson at singit
asked lang po mga mommy, normal lang po ba na sumasakit ung puson ko na parang halos d na po ako makalakad, kahit malapit lang po ung pupuntahan ko feeling ko po parang may malalaglag sa pwerta ko, tapos sobrang sakit na rin po ng singit ko kahit konting galaw lang po, tapos po ung tiyan ko naninigas na parang tinutusok, tapos kanina po kumikirot po sya, normal lang po ba un 39 weeks and 5 days na po ako, last IEko po 37 weeks close cervix pa, po pero may discharge na ponalumalabas sa'akin.