Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
25283 Người theo dõi
Ambroxol expel overdose?
Hi po. Sino po naka experience maling ml naibigay? 0.3ml lang po dapat yung reseta ni doc 1ml po yung naibigay ko. Unang inom palang. 4months old baby 8kgs. Salamat po sa makakasagot. Hindi kc nagrereply pedia namin. Worried lang po. Bukas pa po sched ng pedia.
Insomia since nung nanganak
Kailan kaya ako makakatulog ng maayos ulit.. simula ng nanganak ako nagkaroon na ako ng insomia na dati wala naman.. tulog na yung baby ko ako d pa makatulog hirap na hirap na ako 😢
Breastfeed or Bottle feed
Hi po, pahingi naman idea mga mommy may same situation ko po ba dito? naka Breastfeeding po ako at napaka velcro baby ng LO ko 1st month nya okay naman sya sa bottle feed (breastmilk) and breastfeed mixed kaso na stop ako ng 1 month mag bottle sakanya kasi naooverwhelm sya sa nipple nung bottle nya ang ending sobrang lungad at suka nya pagdating nya ng 2 months ngayon 3m na sya balak ko sana ibottle feed ulit siya kahit 2x a day lang para incase na iba mag alaga sakanya habang mawala ako saglit makadede sya Ano po pwede kong gawin para bumalik sya sa bottle? ayaw nya po maglatch tinutulak nya at umiiyak grabe po iyak nya. Ano po ba mas okay ituooy ko po ba ang 100% breastfed or mixed? Sana may makahelp hindi ko na po magawa mga gawaing bahay pati paglabas para mag grocery di na ko makalabas. Thank you so much po
MASAMA ba sa 3yrs old Ang Milo? Nag switch sa Milo Ang anak ko instead na Milk.
Sa Isang Araw nakaka limang bote sya ng Milo, 5 sachets. MASAMA ba un sa 3yrs old? Nido kasi tlga Ang iniinom nya 4-5 bottles whole day. I1day tinimplahan ko sya sa baso ng Milo breakfast nya. Nagustuhan nya Hanggang un na Ang pinapatimpla nya.
Timbang ni babay
Mga mhie ok lang ba ung timbang ni baby ko 4.5 kg lang siya 2 months and 10 days na siya normal ba un or may problem sakanya. 3 weeks lang po siyang pure breastfeed since nun mix na sya pero halos 1 week na siya hindi dumedede saakin ngaun. Sana may makasagot salamat
Late sa PCV vaccine
Hi mga mommie, ask ko lang po if okay lang malate sa 1st shot ng pcv. 3 month turning 4 months na po si LO ko. Thank you sa sasagot.
Anong mabisang pantangal ng itim na kagat Ng lamok?
Mag4 months napo si lo andami itim2 sa kamay at paa dahil sa kagat Ng lamok, paano ito mawala? #kagatinnglamok
Hiyang sa Formula Milk
Hello po. ask ko po if totoo na kapag hindi raw po tumaba ang baby sa formula milk nya means hindi raw po hiyang si baby? How true?
Postpartum na bleeding
Hi mga Miii, ano po maganda na Postpartum Vitamins ? Medyo unhealthy kasi kinakain ko kaya bawi nalang sana sa vitamins .. Breastfeeding mom po ako.
Tahi sa pwerta na nag kelloids
Hi meron ba dito yung nkaranas na magkaroon ng keloids sa may pwerta kung saan natahian. Kmusta po naalis po ba?