Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
25039 Người theo dõi
Pagtawa ng newborn
Hello mommies, meron po ba dito na same ng baby ko, mga 4 weeks po siya non nung nagsimulang tumawa pero tulog siya, mabilis lang naman po yung tawa and malimit lang din nangyari yon. May napanood kase ako sa facebook noon na tawang tawa yung baby at 10 weeks, sabi hindi daw normal, yun pala seizure na at may tumor sa utak huhu, nagwoworry lang ako kase tumawa siya but saglit lang and ilang beses lang nangyari. Thank you po sa makakasagot
Pakikisama
Hello po mommies maglalabas lang ako ng nararamdaman ko dito, lately kasi nastress ako kakapanganak ko palang din kasi sa bunso ko at may toddler pa ako (nilalagnat tapos 2 mos si bunso hirap magalaga ng sabay huhu). At may dumagdag pa sa iisipin ko, kanina kasi kinausap ako ng tita ko (bali stepmother po sya ng lip ko) na sana daw matuto ako makisama, kanina po kasi andito yung tita ko sa bahay at may biglang bisita po sila, magkakape sila sa labas,nasa labas din po kami ng baby ko at toddler ko nagpapahangin. Nakipagusap naman ako sa bisita po nya kasi pinuri po nila baby ko so ako po onting kwento lang din. Mejo mahiyain din kasi ako pag di ko close yung tao, so onti lang mga nasasabi ko. Tas yung tapos na kumuha mg kape si tita umupo na din sya at nagusap usap na sila kaya pumasok na ako sa loob since nagmumuryot na din ang baby ko padedein ko na din. Then maya maya po pumasok si tita sa kwarto may inask lang sya sakin at yun napagsabihan lang ako na dapat daw nakikisama "oy *name ko* dapat nakikisama ka din, wag ka lagi kulong sa kwarto. Yung si ano sabi sakin di ka man lang daw ngumingiti, jusko mag isang taon kana dito galaw galaw aba" ayan po pagkakasabi mejo pinaikli ko lang hehe. Mabait naman po si tita, kalog, madaldal at friendly may pagkachismosa din char haha. mejo nahurt lang ako sa sinabi nya. Di ko alam ano pang pakikisama gagawin ko kasi close ko naman sila at hindi naman ako sanay dumaldal ng dumaldal pag ibang tao lalo di ko close. Lumalabas labas din po ako ng bahay kaso minsanan lang talaga hehe. Si tita kasi is madaldal talaga as in halos lahat ng makakasalubong nya kilala nya😅 eh ako po hindi ganon. Tumira nga ako dati sa kamaganak ko mula grade 4 hanggang paglaki ko ni wala ako kilala sa mga kapitbahay kasi taong bahay lang talaga ako non huhu lalabas lang pag may bibilhin😅 may mga friends naman ako noon kaso mga naging work mates ko lang din. Kaso simula din magkababy ako mas comfortable ako pag nasa loob lang ng bahay at wala masyadong kaibigan. Tapos halimbawa pag may makakasalubong ako pag nasa labas ako ng bahay umiiwas ako or magtatago kasi ayoko makipagkwentuhan haha nahihiya ako at di ko alam pano sisimulan makipagusap. Sino po ba dito same Kong mommies na may pagkaintrovert? Huhu ang hirap kasi akala ng iba mataray ka or maarte🥹
Hi mga moms, 3 days ng di nag poop bb ko 2 months and 27 days na siya mixed po kasi siya sa formula
Breastmilk to formula
pwde po. magtanung
pasensya na po sa kumakain jan, normal lang po ba yan sa isang baby, kase po pag nag uunat po siya lumalabas ung pusod niya, tska malaki salamat po sa sasagot
May tumubo sa kamay ni lo
Ano po kaya tong tumbo sa kamay ni lo pag kagising niya ngyon umaga may ganito na may maliit na bilog medyo namumula hndi ko alam if kagat ng langgam or lamok. Naka kulambo nman po siya
Bagong anak
Cs mom here. Sino po dito yung tulad ko na nilalabasan ng dugo after manganak(CS), one month na nilalabasan ng dugo? Regla po ba yun? And safe ba gumamit ng pills? Pag naubos po ba ang pills na iniinom rereglahin na?
Poop ni baby
Normal po ba ito simula kasi nung distilled water na ginamit ko nag iba ung poop ni baby tapos maraming beses na sya mag poop ftm po
super dry and scally
hello po mga mi ask lang po ano dapat gawin..super dry po ng scalp ng bby ko..gang sa muka po nia meron ndn
INJECTABLE
hello mommies tanong ko lang po tungkol sa depo control kailangan po ba pag ininjectan ay dapat may regla Muna? Kasi Ako po spotting nlng regla ko kuntinalang talaga pero sinabi ko nireregla parin Ako kaya iniinjectan ako, pano po pag ganun effective po ba kaya? Sino nakaranas din ng gaya Sakin?
Stiffness of limbs
Ok lg po ba sa almost 2months n bby ang stiffness of limbs during nag s-starle? Ksi grabe iyak ng baby ko pag ppalitan ng diaper ng s-starle sya tpos ayaw paawat sa iyak.