Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
2139 Người theo dõi
11 weeks pregnant
Normal lang poba na medyo makirot ang puson at may times na parang kinukurot Yung gilid ng pusod thank you mga Mii sa sasagot
PREGGY OR PCOS?
Hello po. Dec 28 2022 niraspa po ako and nilagyan ng Implant. Dec 18 2025 pinatanggal ko po. At nasa pic po ang naging cycle of period ko simula January to May pero this June po wala padin po as of now. 16 days delayed napo ako. Nahihilo, naduduwal, bloated feeling po tummy ko at masakit bewang/balakang kopo. Madami po nakapansin ng paglaki ng tyan kopo. Nag pt po ako first urine ko nung 11 days at 14 days delay palang po ako pero negative po. Possible po ba na buntis ako o may Pcos po? Before po ako makunan at iraspa okay naman po cycle ng mens ko never po umabot ng ganitong katagal na delayed po.
Folic Acid
Hi mga mi, pwede ba ko bumili ng folic acid kasi yung nireseta sakin ng doctor pang 2 weeks lang di pa ko nakabalik sakaniya balak ko sana mag iba na ng OB. pwede ba ko bumili ng folic acid over the counter o wait ko na lang ung riseta sakin ng bagong OB? Thank you #FTM #11weeks
Tanong lang po
Tanong lang po normal lang po ba na every night po ako nasusuka then sumasakit taas ng puson ko
13 weeks preggy po, normal lang ba pain sa upper part kanan ibaba ng ribs?
Hello po mga mommy, may nakakaramdam ba dito ng pananakit ng upper part ng stomach malapit sa ilalim ng ribs? Nag simula ito nung nakakain ako ng maalat at di agad naka inom ng tubig huhu. Thank you po
Thickened Nuchal Translucency 5.0mm
Hello po, Sino po nagkaroon ng ganito sa TRANS V and naging normal naman po? I'm 11weeks and 6Days Sobrang worried po kasi ako 🥹
TYIA JUST ASKING PO
May incident po ba na kapag nagpa pelvic ultrasound sa 12 weeks pregnant ay Nakita ang gender ni baby?
Dahil ba sa weather?
Hi mga mii, normal lang ba recently kasi tuwing umaga tumitigas yung tiyan ko 2 months palang. pero hindi naman matagal, possible ba na malamig kasi weather dito sa amin? #10weeks #pregnancy
PAGLILIHI
2nd baby , puro matamis ang cravings, nagccrave din ng maalat at maasim pero pag anjan na matamis talaga ang hanap
Night sickness?
Meron din po ba sa inyong nakakaranas ng pagsusuka tuwing hapon or gabi? Like okay po kayo in the morning but around dawn biglang sasama pakiramdam and sobrang acid din ng pakiramdam. Any tips po pano nyo nasusurvive? 8 weeks and 4 days pregnant po here. First baby rin. Nakakapanghina lang po talaga. Especially gusto ko na matulog but dun ako aatakihin ng pagsusuka.