Viginal discharge ni Baby at 8 months
Hello meron po ba dito naka experience na magkaroon ng discharge ang baby girl nila like ( milk white sya texture nya para syang slime na thick ) hindi ko sya naamoy kung mabaho ba sya kasi nag panic ako agad at nilinisan ko sya. 🥹🥹 pero ngayon oras na to after 4 hours pag palit ko sakanya ng diaper wala nang ganun. #firstbaby #firsttimemom #BreasfedBabies #tulongbaby
Đọc thêm


Okay lang ba sa foam namin pinag lalaro si LO ?
Hi! Okay lang po ba na sa foam namin pinag lalaro si LO ? Same kami ni hubby paranoid eh. Ayaw namin sya pag laruin sa playmat lang kasi natitigasan kami at baka ma untog sya. Hindi kaya makaka apekto sa milestone nya kung sa foam ang playground nya. Nakaka upo naman na sya without support pero bigla bigla nalang sya hihiga later on. ( kaya sa foam namin pinag lalaro ) hindi nya pa kaya bumagon para umupo kaya kami pa ang nag papa upo sakanya. kaya nya na rin tumayo pag hinahawakan ko sya pero yung sya mismo tatayo hindi pa . Gulong gulong lang sya at hindi pa nag cra-crawl . 8 months na po sya. Sana may makasagot kung okay lang sa foam sya mag laro. Meron kasi akong nabasang comment na sa playmat daw pag laruin para tumibay ang buto. #advicepls #pleasehelp
Đọc thêm


Hirap pakainin ( 7 months old )
Ako lang ba yung may LO na hirap pakainin ? I mean madalas ayaw nya kumain ng solid food. Mas gusto nya yung water lang at dumede sakin. siguro sa isang linggo 3x lang sya kumain ng hindi pahirapan. Same time pattern naman ang pag pakain ko sakanya pero ayaw nya talaga itry ko na yung sya lang pero hindi talaga nya kinakain. Try akong subuan pero ayaw nya talaga. Kelangan po ba ni baby ng pampagana na vitamins? Or hayaan ko lang ? #pleasehelp #firstmom #advicepls
Đọc thêm