Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
23731 Người theo dõi
Ano pong dapat kong gawin?
Hello po mga mommies cryptic pregnancy po ako kaya late ko na po nalaman na buntis po ako so napakadami ko napong nakaligtaang bakuna sa buntis even check up's wala pa dipo kaya ako mahirapan manganak nito? Pwede po ba makahingi ng payo please po first time kolgn po kaya diko po alam kung anong gagawin ko😭
34 weeks FTM
34 weeks po ako nakaramdam po ako ng contraction kahapon mahigit 4 to 5 hours kaya in-IE po ako then open cervix 1cm daw po ako, kaya niresetahan ako ng pampakapit at pampakalma ng matres, pinag bedrest na rin po muna ako tanong ko lang po magtutuloy tuloy po ba ang pagtaas ng cervix ko nag aalala po kasi ako di rin po ako makatulog kaka isip.
1st time mom
Pwede pong mag ask, after bang matanggal pusod ni baby pwede na sya mag tiki tiki?
Hi mommies! May naka experience na po ba dito na iba ang EDD sa ultrasound at last menstruation?
#FTM #AskingAsAMom #CuriousAlert
33weeks ogtt
Ilang weeks po ba nagpapa ogtt ? 33weeks na po ako ngaun and hindi parin po pinapagawa saken ng ob ko yun or ako na magtanong skanya ? May mga case po ba talaga na ndi na pinapagawa yun ? Salamat po 🙂
COMPLETE BED REST
Hello mga mommies, sino po dito nagbed rest while pregnant or nakabed rest right now? Pa-share po ng inyong experience 🥲
33 weeks pregnant
Hi mga mie, sana may sumagot🙏🙏🙏 kanina pa kasi masaki sa tagiliran ko. Sa may baba sa bandang malapit sa singit. Hanggang ngayon masakit parin. Halos 5 hours na syang sumasakit. Normal lang po ba ito? Tapos ngsyon paghiga ko parang napilipit pa sya. Nas sumakit sya now compare kanina mga mie😢 pasagot naman po. Lumipat pa naman ako ng ob. Kasi sa manila ako nagpapacheck up. Now andito na ako sa probinsya namin. Sched check up ko dapat tom dun sa ob ko sa manila kaso di naman na ako makakapunta. Need ko pa magpascged dito province namin gawa ng madami ang patient tas kunti lang ang facilities. Help please😔😔😔
Laki ni baby
30 weeks preggy po pero 26cm lang daw si baby. Sabi ng OB maliit daw sya. May dapat po ba akong ikabahala?
Hi Momies! First time mom here. 🫶🏻
Pwede ba ako uminom ng coffee? Super crave ko kasi sa kape this past few months, pinipigilan ko lang hehe I’m 32 weeks pregnant. #AskingAsAMom #firstmom
Nakakasad na frustrate na ob
Im in my 33 weeks and 5 days of pregnancy today. Last Nov 11, I got admitted kasi ina IE ako, at sabi ni OB is 1 cm open cervix na daw so I had to get a dexa shot for my baby lungs maturity at utrogestan na pampakapit, but hindi pa nababawasan panubigan ko wala rin akong spotting or any brown discharge. I was admitted for 2 days and then release, kasi tapos na gamutan, I was asked for 19k for that admission alone. My LIP and I are low income individuals kaya malaking tulong talaga if may philheath at dswd. After a week, I was checked again but this time... hindi ako ina IE, which is weird kasi the first reason I was admitted kasi nga nagbukas ang cervix ko and the ob is trying to get it closed pero pano nya malalaman if closed na if hindi nya ko ina IE the second time, sabi nya lang na tumitigas ang tyan ko which is highly normal sabi ng kakilala kong midwife kasi ang ulo ni baby nasa taas at dun nilagay ni ob ang machine. Ngayon, she expects me to undergo NST every 3 days at mag utrogestan pa for 7 days. Then, gusto nya ko mag complete bedrest hanggang sa mag term si baby. Pero, wala talaga ako maramdaman na kakaiba, yung akin lang hindi ko gusto yung expression nya sa mukha kasi para bang sinasabi nya na delikado pagbubuntis ko, while my baby is having a good heartbeat at ang likot. Imbes ma comfort ako,mas nadagdag pa sa stress ko everytime she has this expression on her face on the topic na baka maCS ako. So, I went to her other clinic [she owns the clinic na may NST] , and do the NST which is 500 per session at sabi nya I have to do this hanggang mag term ako, saan kamay ng Dyos ko naman kukunin ang 500 every 3 days na yun hanggang mag full term ako, e pinabedrest nya ko at low income pa ang LIP ko, tapos pag check sa NST nasa 167 bpm ang pinakamataas na HB ni baby, which is sabi ng nurse , normal naman daw at wala din ako contractions. Tanong lang, ganyan din ba OB nyo? Na tingin sa inyo meron kayong milyon2x na magagastos para sa mga pa check up nyo. Take note, nag avail pa kami ng package nya para mas maka less pero dun nya kami dinidiin sa mga pa test at gamot na binibigay nya sabi hindi daw pwede bumili sa iba, sa kanya lng daw eh ang dollars ng gamot nya! Nakakafrustrate parang gusto ko ng mag ibang ob pero nunrefundable na yung package na binayad namin.