Yung naiiyak ka nalang bigla bigla kasi naiinggit ka sa ibang maaga narin nag asawa andyan parin magulang nila na masasandalan nila . Na tumutong parin sa kanila sa kagipitan nila. Bat kmi ganto ?Tuwing May problema walng mahingan ng tulong. Siguro akala nila andami dami naming pera na okay lng kami . Yung pangarap nalang naming mag asawa e sana yumaman kami at mabili namin mga wala sa amin at ipamukha sa mga pamilya namin ,kaso mali rin namn . Nag tratra baho naman asawa ko kaso minsan wla dn,pag dating nang sweldo ibili namin agad ng ulam yung ma 10 lang para tumagal yung sweldo nya hanggang my trabaho ulit sya . Ang hirap din pong mag pa dede sa baby ng dadalawa lang ang unan ? At kapag nag lalaba ng kumot hihintayin pa naming matuyo bago my gamitin titiisin nalang yung lamig .Kung isang kilometro lang po sana sa bahay namin umuwi naako at dun na kumuha .Minsan umiiyak rin asawa ko sa sitwasyong meron kami eh. Mga damit namin bilang bilang lang puro may butas pa dahil sa paulit ulit lang naming nagagamit .19 edad may anak na kami .Oo may pag kaka mali rin kami ngunit tama ba yung pag sabihan kami ng puro “YAN KASI” ano gusto nila ibalik namin yung bata sa sinapupunan,patayin ? Para bumalik kami sa pagkabinata/dalaga? Kyo nalng sana mag bigay ng guidance sa amin pero kyo pa nag papalubog samin.
Kelan nyo kaya ipapadama na anak nyo kami ,na MAHAL NYO KAMI . At sa ama ng asawa ko ang babaw naman ng tingin nyo . Buti nga sa kanya e d nag mana sayo ? Yung responsibilidad nya sa amin d nya ipinag damot .Pasensya napo .
Hindi ko po nasabi lahat ng to para mag papansin o mag drama lang .
Linalabas ko lng po sama ng loob nmin na matagal naming kinikimkim.