Yung lo ko is almost 3days na nilalagnat. Yung lagnat nya po bababa tataas. Nawawala naman. Pero babalik. NO other signs like sipon ubo o pagtatae. Masigla naman sya. Magana dumide. Maaari po kaya na dahil sa pag iipin to ni baby? Kasi recently lang panay subo nya ng daliri nya and ang dami nya maglaway. Anyway, breast feed po si baby at ayaw talaga sa bote.
Another is, pahirapan sya painumin ng gamot (tempra drops, orange flavor) 😔 As in, mag susuka po sya konting gamot lang mapatak. Nag consult na po kami. Binigyan po sya paracetamol suppository. Pero natatakot kami ni Hubby parehas maglagay 😔 May nakatry na po ba sainyo dito ng suppository? Nasasaktan ba si baby? Ano ibang ways kaya para mapainom si baby ng gamot na di nag susuka? Any help naman po and suggestions 😔 Thanks