Palabas lang po ng sama ng loob😢
Yung lip ko inutusan ko siya na siya lang muna ang magligo sa aming 1 year old na anak kasi naka pajama ako ayaw ko mabasa yung pajama ko.. At ayon na nga marami na siyang sinabi na na sa susunod na ako na daw mag lilinis at magpapakain sa aso namin para daw manasan ko daw yung pag lilinis ng hinihigaan ng aso. Ayun na nga kinuha ko baby ko at linayasan ko ng padabog kasi ako na lang magpapaligo sa anak kl. At siya itong bigla nalang lumabas kinuha saakin yung anak kahit na nasasaktan yung anak namin kaya ko binigay sakanya at siya ang nagpaligo. Ang akin lang naman na sana kahit sa weekend tulungan lang naman niya ako sa pag aalaga ng anak namin.. Oo siya ang nagtratrabaho kaso 8k yung sahod niya at ang 2k pinapadala niya pa sa pamilya niya 2k sa sss/pag ibig. At 2k sakanyang pang gas niya ng motor. At yung 2k para sa diaper, snack ng baby ko. Kaya di ako nag wowork kasi breastfeed si baby at walang mag aalaga. Dito kami nakitira sa bahay ng mama ko libre kami lahat. Ang akin lang kasi nakikitira kami dapat kung ayaw niya yung ginagawa niya na maglinis at magpakain ng aso niya at sa aso ng kapatid ko dapat siya nagsasabi di ipapamuka niya pa sa akin na ang hirap hirap ng ginagawa niya. Samantala puro lang cp at pag computer ang ginagawa niya tuwing uuwi galing trabaho.. At sa part naman ng anak namin yung contribute lang naman niya yung pag laba ng damit ng anak namin yun lang ako naman ang nagsasapampay, nag titiklop at naglalaba ng damit naming dalawa. Di naman lang nagawa na maglaro sila.. 😢

