Maglalabas lang ng sama ng loob about my inlaws at sa hubby ko.

yung in laws ko po kasi lagi nalang samin humihingi ng pera. kahit may iba pa naman silang anak. pati yung mga kapatid ni hubby samin din humihingi. ultimo pangload samin pa hinihingi. pati mga pamangkin nya. seaman po dati si hubby. late na kami nakapagpakasal dahil nga sya ang sumusuporta sa mga kapatid na nag-aaral pa. plus bigay sya lahat sa family nya kaya hindi kami nakaipon ng pampakasal. hinayaan ko lang sya kasi para walang masabi samin yung family nya pag nagpakasal na kami. and sabi din kasi sakin nung nanay nya na hindi sya pwede magpakasal hanggat hindi napapatapos sa pagaaral yung bunso nila. for me ok lang yun, nasaktan lang ako kasi sa harap ng mga kamaganak nila sinabi nya yun sakin. so parang naawa ako sa sarili ko that time. we are 27yrs old ni hubby nung time na yun. then after makatapos sa college nung mga kapatid nagsipagasawahan na.. ni hindi man lang tumulong o nagpasalamat sa kuya nila. lahat ng utang nila si hubby nagbayad. pati pinanghospital at pampaayos ng house nila kay hubby galing. katwiran nila seaman, malaki sahod, madaming pera. then nakaipon si hubby ng 50k pampakasal sana namin, kaso hiningi pa nung tatay nya. pangbibusiness daw. ending sila lang nakinabang. tapos yung 50k sa kanila na din napunta. sobrang sama ng loob ko nun. pero pinalampas ko kasi sabi ni hubby pag kinasal na kami ok na. ako at yung magiging baby na namin ang priority namin. last year we get married. hindi na din sya nagbarko since napatapos na nya yung mga kapatid nya. sa government na sya nagtatrabaho. nung kasal namin halos lahat ng gastos galing samin ni hubby at sa family ko. gusto ng parents ko na maayos yung kasal ko kaya nagshare sila sa gastos, plus yung ibang family friends namin. yung family ni hubby umattend lang. pamasahe lang nila ang inintindi nila at yung hotel room na tinulugan nila the night before the wedding. maliban don wala ng kahit ano. hindi sila nastress, wala kaming hiningi na kahit ano. tapos magtetext pa yung father in law ko na ang mahal naman daw ng bayd ng room. mahirap daw kitain ang pera. right after the wedding. pinalampas ko yun kasi father yun ng husband ko. then after that pandemic na. and i got pregnant. ang hirap kasi hindi ako pwede magwork kasi maselan ako magbuntis. ang dami kong gamot need inumin para sa baby namin. para lang hindi mawala si baby. tapos bed rest pa. yung hirap ka na nga tapos lagi pang may magtetext o tatawag n nanay sa asawa ko na padalhan daw namin sya ng pera. sobrang stress ko nun. one time pa ang aga aga tumawag samin sabi nasa palawan na daw sya asan na daw yung padala. edi syempre si hubby kumahog naman dahil nanay nya yun. tapos wala nmn pala sa remittance center. gusto lang ipadala na agad yung pera. pinalampas ko padin yon. then nagkasakit kami ni hubby. nacovid. im pregnant that time. iyak ako ng iyak kasi nagaalala ako sa baby namin. nconfine kami sa hospital, sobrang alala samin yung family ko.. halos araw araw umiiyak yung nanay ko dahil nagaalala samin. lahat ng support galing sa family ko. kahit financial support. ni piso wla kaming hiningi sa family ni hubby. thank God gumaling kami. after namin makauwi tumawag yung MIL ko. akala ko kakamustahin kami. o kahit yung apo lang nila. hindi pala. pera pa rin pala. baka daw may pera kami kasi kelangan daw nila ng 5-10k para pangspray daw sa mangga. gustong gusto ko magalit non talaga. pero magalang ko pa din na sinabi na wala kami ngayon kasi kakalabas lang namin ng hospital at nacovid kami. after ko sabihin yon sabi lang sakin "ahh, ganon? sige tawagan ko si loy (yung asawa ko) baka may pera sya." end call. ni kamusta c baby wala.halos 60k lahat binayaran nmin sa hospital na ni piso wala kaming hiningi sa kanila. halos every month o twice a month nagtetext yung MIL ko na padalhan namin silang pera. in short inoobliga nila si hubby na magbigay every month. nanganak na ko at lahat walang kahit ano. 100k mhigit bill nmin ni baby dahil ngdelikado kami kahit konti wala kaming hiningi sa pamilya ni hubby. pero yung parents ko pgkasabi ko ng bill nagpadala agad para daw sa apo nila. that time sabi ko kay hubby obligado ba na every month o every 15/30 magpadala dun sa inyo. sabi nya hindi nmn. pero every month humihingi yung nanay at mga kapatid nya. bigay din nmn sya ng bigay. then my condition yung baby namin need operahan. halos 500k need nmin for operation nya. sobra lungkot ko non. at naaawa ako sa baby ko. plus san kmi kukuha ng gnun kalaking pera? ung family ko laging sinabi na wag k magalala anak magagawan naten ng paraan yung pra sa baby mo. pati mga kapatid ko ngbbgy pra ky baby. yung sobrang stress na ko tapos ang maririnig ko sa MIL ko "wag mo bilhan ng bgong damit yang anak mo kasi magiging maluho. loy padala ka daw ng pera pampatahi ng polo ng pamangkin mo. idamay mo na din yung ibang bata dito bat isa lang bibigyan mo?" as in sobra sobrang sama ng loob ko non. sabi ko kay hubby kung hindi ibibili ng damit si baby anong isusuot e yung anak ng kapatid ko girl. pasuutin ko ng pambabae c baby kahit boy? ipanglilimos ng damit.? sobrang galit ko na mga momsh. tapos alam na nga need operahan ni baby ko at need nmin ng funds hindi pa rin sila tumitigil ng kakahingi ng pera samin. pangapply nung bunso nyang kapatid. pangload nung midwife nyang kapatid. panghanda sa bday nung pamangkin nya. pampatahi ng polo nung anak nung teacher nyang ate. ate pangload sa wifi at cp nung mga anak nung ate nyang ofw. yung anak ko ni minsan hindi humingi ng khit ano. ni isang pares ng medyas hindi nila nabigyan. wala kaming kinuha sa kanila kahit may taniman sila ng mangga kahit dahon non hindi ko nahawakan. kasi sabi ko kay hubby ang amin ni baby yung bahay naten, yung sweldo mo, yung lupa naten dun sainyo (na binenta pla nung ate nya para pangbigay sa tatay nila nung nagkaproblema sya. ni hindi nmin alam ni hubby at ni piso wala kmi nkuha) at lahat ng galing sa trabaho mo. yun lang ang samin. sabi nya pag nagkaanak kmi, kami na ang priority nya. pero hanggang ngayon pag kelangan ng pamilya nya ngbbgay pa din sya. hindi nya alam yung binibigay nya para sa pamilya nya galing yun sa family ko na pra sa baby namin. sobrang sama ng loob ko. kasi ultimo problema ng ibang kamaganak nila samin ihihingi ng pera. sabi ko non kaya ko lang kasi mahal ko asawa ko. pero bakit gnun? parang kami ni baby yung hindi nya mahal? parang kami ng anak ko yung nanglilimos sa kanya? sabi ko noon kaya ko lang yan. pero iba na pala pag pati yung anak mo ganun nila tratuhin na parang hindi nila kadugo dahil wala silang pakialam. lagi lang sinasabi ni hubby silent type daw family nya. pero pg kelangan ng pera hindi silent type? na kesyo madami na daw kasing apo. wala naman kaming hinihingi ni baby sa kanila at wala kaming hihingin. ang hinihingi ko lang kay hubby yung para sana samin ni baby wag na kunin ng pamilya nya. sobrang stress ko po ngayon. i waited 13yrs para makapagpakasal kami dahil nga sabi nya aayusin muna nya family nya. nagantay naman ako e. hindi naman ako nagpabuntis lang. kasi sabi ko gusto ko kasal muna. tapos ganito? salamat nalang sa Diyos binigyan ako ng magpapasaya sakin, yung anak ko. yung love ko kasi kay hubby parang unti unting napapalitan ng sama ng loob. sa kanya at sa pamilya nya.

3 Các câu trả lời

i feel you sis. yung mga hinanakit mo rito, sabihin mo rin sis sa mister mo. para maalala nya promise nya sayo. sa totoo lang, hindi masosolve problem nyo pag hindi nagbago mister mo. ang maraming pera at pagkakaroon ng magandang trabaho, hindi habang buhay yan, kaya need magipon. para mabawasan, siguro sis sabihin mo kay mister na may fixed amount lang ang pwedeng ibigay sa family nya per month like 1k-2k ganun. kung unang humingi nanay nya, di na sya pwede magbigay kung humingi naman sunod ay tatay nya o mga kapatid nya. pero sorry sis, sa tingin ko ay hindi sya magbabago hanggat di kayo nababaon sa hirap at wala ng makain. yung nagkacovid nga kayo, di sya napagbago. yung ooperahan anak nyo, di sya napagbago. siguro iniisip nya na lagi ka naman nahingi ng tulong sa parents/family mo financially. (at mukha ring mayaman pamilya nyo). try not to ask for help po. para yung asawa mo ang gumawa ng paraan at manakit ang ulo kung saan siya kukuha ng pera. at marealize nya na hindi sya dapat todo bigay sa side nya. i agree kay momsh mauie na parang "yabang" na lang sya. naranasan namin yan. yung asawa ko pakayabang din. pautang nang pautang ng hindi naniningil. kasi paniniwala nya pag tumutulong ka ay tutulungan ka rin ng mga natulungan mo sa oras na ikaw naman ang mangailangan. pero noong kami naghirap (as in asin na lang ulam namin), ni isa sa mga pamilya at kaibigan niya na natulungan namin ay hindi kami mapautang/mabigyan ng tulong. kaya nang magumpisa uli kami from scratch, nagbago na rin si mister. natuto na siyang humindi. tanging matinding poverty lang talaga nakapagpabago.

thank you momsh.. hindi rin po kami mayaman.. hindi lang ako matiis ng family ko.. pati syempre yung apo nila.. kabaliktaran ng family ni husband.. agree ako sayo kasi hilig ng asawa ko tumulong sa iba. pero pag kami na nangangailangan ni kamusta galing sa family nya wala. tingin kasi nila ok kami lagi kasi hindi naman kami nagsasabi sa kanila. nung nakaraan napuno na din asawa ko. after 48yrs.. nagalit na din kasi bakit daw obligado sya magbigay monthly e yung ibang kapatid hayahay lang. hinahayaan ko lang sya. mstress sya sa pinamihasa nyang pamilya.. dito nalang ako focus kay baby.. happy pa ko lagi.. thank you ulit momsh...

VIP Member

Good morning mommy! Thank God you and your family is okay na po. Magastos po talaga magkasakit at maospital ngayon. Halos half million bill namen ilang days lang si fil sa hospital. Regarding po sa sama ng loob mo.. tama yan nilabas mo po. Possible din napapag awayan nyo na mag asawa. Pero for me.. si hubby mo talaga ang dapat magset ng limit sa family nya. They won’t stop unless si hubby magsasabi. Pero kase si hubby mo lagi nagawa ng way basta mapagbigyan ang family nya. Parang di nya matiis di mapadalhan. Hmmm… sometimes ganyan kase talaga mga seaman. Di ko nilalahat ha.. pero madami ko kilala ayaw nila tanggapin na wala silang pera. Parang ego nila na ayaw nila masabi ng family nila na kapos at naghihirap sila. Yung yabang ba di ko lang alam if ganun si hubby mo mommy kase kung tutuusin andami namang dahilan bakit di makakapagpadala pero ginagawan pa din nya ng paraan. Possible din di nya matiis family nya pero grabe naman na. Pag-usapan nyo po ng maayos. 13 years mo sya inintay para masstress ka ng grabe ngayon. Sya magset ng limit para di kayo monthly mastress sa gastos lalo at may baby na kayo ngayon.

thank you po momsh.. hindi na po seaman c hubby.. pero parang yung family nya di pa nakamove on sa allotment monthly.. si hubby rin po may problema minsan kasi pinapamihasa nya. pag nmn cnsv ko na mdami nmn cla mgkakapatid bkit lging saten ang takbo pg my problema cla.? cnsv lng nya sakin na hindi dn nmn dw mgbbgy mga kapatid nya. so it means kami ng anak ko ang magadjust.. thankful lng tlg ako ngayon ky God kasi andito c baby... sya nagpapasaya sakin kahit ppano. salamat po ng marami momsh. hindi ako mhilig mgpost ng ganito pero prang hindi ko n keri yung sama ng loob ko.. wala din ako mapagsabihan.. thank you po ulit..

sis kahit gano nya kamahal magulang at pamilya nya tandaan nyang kayo na ang pamilya nya ngayon at priority. wala naman masama magbigay pero wag naman to the point na kayo na yung nagigipit. sana matutong humindi yang asawa mo sis. kasi kung lGing ganyan aasa at aasa talga sila sa kanya kasi lagi din naman nyang binibgyan. matuto syang humindi. di lang naman sya yung anak ng mga magulang nya. at para din matuto yung mga kapatid nya. ako ha, kung ganyan kahit magalit pa sila sakin na hindi makapagbigay eh syempre may anak na din ako. mag set sana ng boundaries yung asawa mo sis. kasi kung ganyan sya, wala, talagang di sya titigilan

kaya nga sis.. akala ko kasi magbabago family nya pag kinasal na kami o pag nagkaanak na kami. same same pa din pala.. hindi naman ako galit kung need talaga.. e kaso kapritso nalang madalas.. minsan hihingi ng pera MIL ko dahil pupunta daw ng bayan yung mga sister in law ko gusto daw sumama. need daw ng pambili.. sv ko sa asawa ko e may covid nga tapos gusto gumala ni nanay? senior na kasi yun. pag naman nahawa at nagkasakit kami na naman ang bubuligligin.. kaya bahala sya mastress kinuha ko atm nya. para yun sa baby namin e.. kung gusto nya magbigay sa iba dun nya kunin sa allowance nya. mabait naman si husband sis. nasobrahan nga lang. na mdalas nakakalimutan nya na may pamilya na sya. na dapat kami muna bago sya tumulong sa ibang tao. thank you sis..

Câu hỏi phổ biến