Yung akala mong buntis ka kasi nagpositive ka sa urine PT, na una ay faint line nung may 21 hanggang nag dark nung may 29.. MAy 27, nagpa serum PT ako POSITIVE.. may spotting ako non, yung light red to dark brown. Sa sa isip ko implantation bleeding.. May 29, nagpa TVS ako, walang makita kahit sac pa lang pero thickened endometrial stripes na. Days passed by, may spotting to light bleeding pa rin ako wala namang kasamang pains at clots. Hanggang sa kahapon nakapunta din sa OB Sonoligist ko sa bayan, sa byahe pa lang nafeel ko na may lumabas na discharge or pumatak ganon. Pagdating ko sa clinic, ayun medyo malakas pala kaysa sa spotting yung lumabas.
During interview ni Doc, nagcompute na sya ng possible EDD which is Jan 23, 2025 daw. Nung sinabi kong nagsspotting to light bleeding ako, ayun na, pagkasilip thru TVS nakitang wala nga talagang baby, walang sac. Hindi ako buntis. Hindi rin naman daw nakunan kasi walang corpus luteum na nakita. Ang nakita dun ay maraming cysts sa ovaries ko, bilateral. Yun daw dahilan kaya nagpopositive mga PT at serum PT ko. At yung lumalabas na dugo daw ngayon is regla ko na, numipis na din kasi uterus. Kaya niresetahan ako ni OB ng Daphne pills since pwd sya para sa nagpapadede may 2y.o. pa kasi ako dumedede at saka MyPCOS for 3 months.
Ang saklap ng may PCOS, akala mo buntis ka, may cravings ka, laging pagod, bloated na mukhang buntis talaga. Ughh