33 Các câu trả lời
Dapat po pinaguusapan yung ganyan. Tanungin mo sya bakit ayaw ka nyang bigyan ng anak. Ikaw rin naman, dapat tanongin nya kung kaya mo pang maghintay ng konting panahon kung kailan magiging ready na sya na bigyan ka ng baby. Kung ayaw nyang magka anak EVER tapos ikaw naman, gusto mong magka anak somewhere down the line, hindi po kayo compatible. Better stop wasting each other's time and move on. You both have a right to decide on what your deal breakers are. Good luck!
gano naba kayo katagal mas maganda kasi yan atlis diba kesa naman bigyan ka ng anak tas di pa handa, edi ikaw lang din mahihirapan dapat kung kelan nalang sya handa para naman maalagaan ka just in case mag buntis kana, pero kung walang balak mag anak at all why waste time with him pa diba 😊😊😊😊ako nga tagal tagal namin parehas kaming ayaw pa pero biglaan handa na kami pareho nag decide na kami pareho mag anak na, dapat yung pareho nyo gusto para masaya 😊😊😊
wag mo syang pilitin. hindi pa yan ready. baka pag nagkataon na mabuntis ka nya tapos hindi pa pala sya ready eh mas sakit lang ng ulo o maging complicated pa sitwasyon nyo. madami pa naman dito sa TAP na nagsheshare ng mga sama ng loob nila na kesyo ayaw silang panagutan ng mga nakabuntis sa kanila. mainam na pagusapan nyo mag jowa yan para alam mo rin kung ano ba estado ng relasyon nyo. kung patungong altar o pang kama lang. realtalk lang.
kami nga 9 years bf/gr widrawal din pero decision naman namin pareho na ayaw pa namin magka anak nun since college pa kami (sorry po maagang nag landi ang ate niyo 🤣) pero now 2 years married na kami and 6 months preggy na with our first child. Inuna namin muna tapusin pag aaral tsaka nag work para narin kaya na namin ang responsibility ng maging magulang. :) Pag-usapan at planohin po ninyo..
better if tanungin mo po Boyfriend mo.. pag-usapan niyo po. Baka naman pala eh gusto niya muna kasal bago baby. :) Ganyan din kasi kami dati.. dati Boyfriend ko kinakabahan pa kapag delayed ako pero withdrawal kami 😅 then nung napag-usapan na, napag planuhan.. ayun! 7 months preggy na ako ngayon 😁 nasa pag-uusap lang yan. Also, make sure na parehas kayong stable ah.. para sa future din.
Baka Di pa sya ready lalo na kung dipa ganun ka stable ang job nya. Mahirap din kasi na di kapa regular sa work then bigla ka nya mabuntis. Kami ng partner ko. Since college my ngyari. Pero syempre need namin mag aral at mag work muna. Ngayon parehas na kami stable. Lawyer na sya ngayon and ako namab working sa isang we’ll known company for almost 1 decade. 1yr n 5mos na baby namin.
Obvious naman girl na di niya pa afford magka anak. Di ka nga niya afford pakasalan e, anakan pa. FYI, bf/gf pa lang kayo, once nabuntis ka at di mo kaya iraise ang anak mo mag isa. ikaw din ang maghihirap, kasi mag bf/gf plng kayo malaki pa ang chance niya na mang iwan. Ang dapat mong goal kasal, hindi anak. maliban nlng kung solo parent ang dream mo at anak lang sapat na.
Mag usap kayo kasi mahirap na ikaw lang may gusto pero siya hindi pa handa. Baka marami pa kayong obligasyon sa buhay, baka ayaw niya pa mag settle down, baka bata pa kayo, maraming reasons. Hindi rin ganun kadali magkaanak kasi it’s a forever responsibility.
Baka hndi pa sya ready sis. Give him more time. Ikaw ba ready ka na? Just a reminder na you need to prepare yourself mentally, physicall and financially if you plan to have a baby. Hindi po biro ang magkaron ng anak, hindi dahil gusto mo na yun na.
hehe d p siya ready. wag mo pilitin sis.. bka pag sisihan mo rin. dapat both kayo ready.. mahirap mag alaga Ng baby at maging mom. mas ok Kung Yung totoong aalagaan ka ska gusto tlga. pag sisihan mo Yan pag maling Tao ..
Anonymous