68 Các câu trả lời
Mamsh kaya mo yan mag normal isipin mo pag na CS ka mas mahirap lalo ung tahi kahit totally healed na may times na sasakit pa din kahit dw years na unlike normal ilan weeks ka lang nman aaray ng kirot ng tahi saka nasa paglilinis un kung pano mo lilinisin sugat mo. Kausap kausapin lang si baby pra pag naglabor ka tuloy tuloy
Master maganda po ang normal kung para sakin..... Kasi after noon 3 weeks ok na yun Tahi sa private area mo not like sa CS... Masakit kasi maglilinis ka ng sukat at masakit po siya.... At higit sa lahat tuwing umuulan minsan sumasakit..... At di ka Pwede magbuhat ng mabigat.... Kung ako ttanungin normal.....
CS Ako sa first masasabi ko lng ganun talaga siguro kase major operation ang CS pero few days lng Naka galaw nako. At first daw masakit talaga kase mawawala na anesthesia nun. Need MO kumilos kilos Para mapadali recovery MO. Now I am pregnant CS ulit haha 😂 I know na Yun sakit after operation
Mag painless delivery ka sis kong buwis buhay sau ang maglabor... dami ko kakilalang my sakit sa puso panay sila Painless delivery sabihin mo sa OB mo....tyaka para mas mabilis lumabas wag mo masyado palakihin si LO sa loob ng tyan mo...saka mo nalng palakihin pag nakalabas na siya ...
Tama pag painless masusubukan mo ung sakit ng injection ng cs pero normal delivery ka na di masakit
Mag cs ka kung recommended ng doctor. If may complications na makakaaffect kay baby. Medyo hassle ang cs. I know. Kasi cs ako sa unang baby ko. Kasi I had large enlargement during pregnancy. Pero mabilis naman akong nakarecover. Wala pang 2weeks nakakakilos na ko.
Para sakin mas maganda Normal mararamdaman mo yung dapat talaga mangyari throughout pregnancy hanggang delivery. Masheshare mo ano naramdaman mo gano kasakit ano mga pinagdaanan mo 😊 mas maganda pa din para sakin yung lumabas si Baby sa private part mo 😊
Mas okey normal delivery. Una wala kang mararamdaman sa CS after that masakit na at mahirap like gawain bahay. Tapos limitado pa sa pag hawak kay baby. Gawa nga ng may tahi ka! Kung manonormal mo whay not. Atleast after that wala ng sakit!😉
cs ako sa first baby ko sis. d nmn ako nasaktan or nahirapan.. after 2 days lakad na ko. depende cguro un sa tao kung gaano kabilis recovery nya. kaya iba iba experiences naming mga CS. and note 24 lng ako nung 1st cs ko kaya mejo bagets pa.
Magastos ung cs. Malaki kasi babayarin mo tapos di ka kaagad pwede magbuhat buhat o kumilos kasi ung sugat matagal maghilom un. Masakit lang pag wala na anesthesia as in maiiyak ka sa sakit pero magiging okay din pagkatapos ng ilang araw.
Mas mahirap ang CS kasi mas matagal ang recovery. Unlike sa normal na kinabukasan okay ka na agad. I had CS on my 1st baby and CS na din on the next babies kasi malalaki sila. My ob tried doing a normal delivery kaso hindi kinaya.
Heidi Eguillos Brooks.