64 Các câu trả lời
Sinasabihan ko na love namin siya ng tatay niya. Minsan naman kapag natripan panggigilan, kinakantahan ni husband ng "Dance, dance", pansin ko lagi siyang magalaw, parang sayaw2 rin. And pansin ko rin na parang mas nakikinig siya sa tatay niya. 🤣. Sa tummy pa lang pero super bonding sila ng tatay niya. Feeling ko tuloy magkakampi sila ng tatay niya kapag lumabas na siya at ako ang dakilang tigsaway sa kalokohan. 🤣❤️🤦♀️
Okay lang mahirapan si mommy basta maayos kitang mailabas. Titiisin ko lahat ng sakit basta healthy ka lang ♥️ sipa lang kung kelan mo gusto bahala na magising si mommy. Kahit 3hrs lang tulog ko, tas ginising mo ko sa sipa, tuwang tuwa si mommy kasi alam kong naggrow ka at active ka. Alam kong love mo din ako. Sobrang excited na kami ng daddy mo makita ka. Sobrang mahal kita anak ko 😘♥️
lagi kong sinasabi na mahal na mahal ko sya. dinideclare ko ang mga magagandang bagay sa buhay niya, pag dumating yong time na lalabas na sya di ako mahirapan, madali lang akong manganak, at dapat nakaposisyon na sya para di ako maCS kasi ayokong macs kasi mahal ang gastos at ayokong mahiwa tyan ko kasi matagal maghilom ang sugat o tahi at marami pa...
Nung nsa tyan ko pa xa always ko cnasabi na kumapit lang tlga kasi grabe ung pregnancy ko npkamaselan bedrest tlga ako. and then nasobrahan ng pampakapit.. hayun ayaw na lumabas😂😂😂.. nasobrahan ng kapit. kasi always ko xa kinakausap na kumapit lang haha hayun na induced labor ako haha! pero nainormal ko nmn. hehe Thanks God!.
Yung healthy sya, wag pahirapan SI mama , atska gusto ko kahit masakit sya sumipa gusto ko ramdam ko palagi Yung mga kicks nya😊 sinasabi ko Rin na Mahal na Mahal namin sya Ng papa nya at excited na kaming Makita sya. then Sana lumaki syang matalino , mabait at may takot Kay papa God ❤️
Anak wag masyadong malakas ang sipa ha nasasaktan si mommy. Anak tulog na tayo anong oras na. Anak okay ka lang ba jan? Pasyal tayo ngayon. OFW ang asawa ko, 2x a week tumatawag at knekwento ko dn sa kanya mga pinag usapan namin ni daddy nya at excited na kaming makita sya.
Lagi ko syang sinasabihan na lab na lab ko sya at ng daddy nya. Sinasabihan ko din sya na maging strong and healthy sa tummy ko, na wag masyadong makulit at baka mapano sa tiyan ko though Alam ko naman na protected sya sa tummy ko
sana makaraos at kapit lang wag pahirapan si mama pag gusto na lumabas magbigay siya ng sign at tsaka sinasabi ko din sakanya kung gaano kami kablessing na dumating siya smin cant wait to see you my little one babyboy💕
sinasabi ko na sana healthy sya, na sana nakapwesto na sya at pag time ng lalabas na sya eh wag na sya mag alinlangan at wag ako pahirapan para makaya namin mag normal delivery. at syempre na love na love namin sya 🙂
Sinasabi ko sa knya" nak, kahit wala ka pa talaga sa loob ko, naniniwala ako na dadating ka din jan. Sana pilitin mo mabuo ka sa loob ko at piliin mo pa din ako na maging mommy mo. Hinihintay ka na namin ng daddy mo. "