Ganyan po talaga kapag naglilihi. Struggle is real na real hahaha. Ako rin po noon nung first trimester panay suka. Kahit tubig di ko mainom kaya nag buko juice ako. Halos ilang buwan akong buko juice ang tubig ko. Pero pinipilit ko din naman mag tubig kahit papaano. Kain ka po ng skyflakes sa umaga pag gising. Tapos kung ano po yung cravings niyo, give in. Pero wag naman po sobra. Kung nag crave po kayo sa fast food sige go kain pero wag naman po araw-araw. Hanapin niyo po yung food na kaya niyong kainin. Kapa kapa po talaga kapag first trimester. Or kaya try niyo po yung madali lunukin like lugaw ganon. Trial and error po talaga yan. Fighting, mommy!💚😊
struggle is real din talaga sakin nung 1st trimester. halos lahat ng kinakain ko nilalabas ko rin. yung feeling na gutom na gutom na talga ako nun kaya pinipilit kong kumain hanggang sa nakuha ko na teknik. wag pigilan kapag nasusuka, ilabas mo lang then after mo mahimasmasan saka mo ikain. wag mo rin pigilan sarili mong kainin mga cravings mo kasi siya din yun na laman ng tiyan mo. i dont know pero para ka pang magiginhawaan pag nakain mo yung gusto mo. keri lang din naman magfastfood wag lang halos puro fastfood na kinakain mo. kumbaga kain ka lang to satisfy your cravings
Fast food is oily and mas nakakatrigger ng nausea and vomiting. Nung nagmomorning sickness ako when I was pregnant, lugaw lang nakakain ko. You can try that.
No. Lalo lang magcause ng morning sickness ang fast food. Try to eat mga simple lang po. Kahit crackers. Water.