Physiologic Jaundice. May 24 si baby, after 2 days nanilaw sa hospital.

What to do po? Medyo nafu-frustrate and at the same time sobrang na-stress na po ako kay baby. 3 weeks na po siya bukas. After 2 days mula lumabas siya, nanilaw po siya. Nakuhanan na ng CBC the result was okay and normal. After 5 days sa OB Ward na-admit siya sa Pedia due to paninilaw pa rin. Mag phototherapy siya dun, nakuhanan na rin ng blood para malaman Total Bilirubin ni baby amd okay naman. Need lang talaga maarawan. Mula manganak, inabot kami ng 8days sa hospital before ma discharge. Pang 3 weeks na po ni baby bukas, pero yellow pa rin siya. Hindi ko mapaarawan masyado kasi lagi po umuulan. Natatakot po ako dahil baka may problem siya sa liver. Pero si baby ko naman ay malakas dumede, active and malakas ring umiyak. Responsive rin siya. Yun lang po ang wino-worry ko. Yellow pa rin po siya gawa ng di ko siya mapaarawan at tag ulan. Ano po po mai-aadvice po ninyo? Pasensya na po. Salamat sa makakatulong at makakaintindi..

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

based from experience, ilang days babies ko (1st and 2nd born) sa hospital, nanilaw sila. mas marami/mas matagal sa 1st born ko dahil nakadumi sia sa loob ng tian. sa 2nd born ko, tumagal kami sa hospital (hindi sia mapaarawan) dahil ako naman ang hindi pa nadidischarge. na-phototherapy sila sa hospital. pero nadischarge kami na wala na silang yellow sa skin. sa 1st born ko, ung eyes nia ang madilaw pa. continue lang kami sa pagpapa araw sa morning (6-7am, for 20mins). walang damit si baby, diaper lang. always pray, mommy. normal naman ang blood test ni baby mo. ang bilirubin ay indicator ng liver, at normal naman. kaya continue nio lang ang pagpapa-araw. continue to milk feed kasi naiihi ng baby ang bilirubin. kaya mas mabilis mawala ang pagka yellow sa mga bottlefed kesa breastfed babies. pero ako, continue lang ako sa breastfeeding, nawala rin ang pagka yellow sa mata.

Đọc thêm
2y trước

hindi umabot ng 1 month.

best time para magpa init ng baby, 6am to 7am. hubaran mo diaper lng ititira mo. hindi naman araw² ang maulan dipo ba? ganyan dn sa baby ko malapit nasia mag 1month naninilaw pa rin, pero nagtiaga talaga ako na paarawan sia kahit makulimlim binibilad ko pa din kasi advice yan ng nurse samin, ayun natanggal na paninilaw nia.

Đọc thêm

ung baby ko 1 month na rin medyo madilaw pa sya pero sabi ng pedia paarawan lang raw kasi type 0 ang blood namin. matagal rin mawala kasi di masyado mapaarawan gawa ng makulimlim minsan pero ngayon dinadala na namin sya sa talagang maarawan ng maayos kaya nag iimprove naman nababawasan paninilaw. pray lang mommy mawala rin yan.

Đọc thêm
2y trước

thank you po, mag 1 month na siya pero madilaw pa rin ng kaunti yung face niya. tapos nag uumpisa na naman kumulimlim ng kumulimlim

My lo tested a bit high sa bilirubin 3 days after birth. For admission na daw sbi ni doc but we said no kc mga around 4th day ni baby nabawasan paninilaw nya kc pinapaarawan nmin everyday. Araw lang tlga ang nging solution sa case ni baby. Bka ganun din po kay lo nyo.