Rashes? Newborn Acne?
What to do po? 2 weeks old palang baby ko tas mas dumadami po yung butlig niya sa face. Cetaphil po sabon niya yung gentle skin cleanser pero di ko nilalagyan face niya pag pinapaliguan ko.
Try mo po mamsh pahiran ng gatas mo po every morning before po siya maligo... Kay baby po kasi ganyan din after a week na pagpapahid nawala po.
You can try to switch to Physiogel Cleanser.. (iwas po muna sa mga bumubula na soap/wash) may mga babies po talaga na very sensitive ang skin.
Same here, mag 3 weeks palang si baby bukas.. pero hinyaan ko lang momsh, nabawasan din naman after two days. Lactacyd blue naman gamit namin
Wag po hahalikan ang baby sis hanggang 6mos baka mmya nahuhulugan ng dumi c baby kaya nag ka rashes sa ulo braso or paa ang halik wag sa muka
Yung pedia ni baby pinababad niya yung cetaphil cleanser sa face ni baby mga 30mins bago maligo. And now makinis na siya.
Tiny remedies baby acne natural soothing gel sis iapply mo sis. All natural and super effective 💯💙
Ganyan din po ung baby q nawala din mg 2mons n xa..normal lng po yan..wag lng po kuskusin pg naligo..
Normal lng po yan... Basta dpt din po ung hinihigaan nya hndi makati sa balat. Wag halik halikan
pag ganyan ang rashes, pag balbasin mu si mister. hehe tingin ko kasi sa balbas nia yan .
Mommy, normal lang yan. Hilamusan mo lang everyday ng breastmilk bago po paliguan.