PCOS to PREGNANT
Way back 2019, I found out I have PCOS pala. Grabe yung depression ko that time kasi akala ko buntis na ako non. After 4 months ko lang nalaman. Regular kasi mens ko every month kaya d ko inexpect na magkakaron pala ako ng PCOS. Kaya nag sesearch ako more about PCOS. Akala ko kasi talaga na buntis nako non kasi lumaki tyan ko. First prenatal ko, sabi sakin ng midwife, “may heartbeat daw” kaya kampante ako kasi first baby ika nga. After ilang weeks, dinugo ako. Akala ko nag spotting lang ako kasi stressed talaga ako nung mga panahon na yun. Hiniwalayan ako ng nakabuntis sakin non. Nagpa tvs ako, then I found out I have pcos pala sa right ovaries ko. Bilin sakin ng ob ko, hinay hinay na daw ako sa mga sweets at sa rice. Kaya ginawa ko 2019 hanggang 2022 nagpapayat ako. Kinaya ko “no rice” sa loob ng almost 2 years. Swear. Minsan pag nasasarapan ako sa ulam nag checheat day ako pero kunti rice lang. At last year December 2022, napansin ko tumaba ulit ako kahit todo work out pa ako. Pero tuloy pa din talaga ang mens ko every month at normal naman mens ko nag lalast ng 3-4 days ganun. at January 2023, hinintay ko mens ko sa buwan na yun kasi kampante naman ako na hindi ako buntis e kasi nga baka delayed lang ng mga iang days. Hinintay ko talaga hanggang sa di talaga ako dinatnan hanggang February. Nag PT ako then lumabas sa PT 2 lines it means positive. Kasi dati pag sumasakit ulo ko or nakakaramdam ako ng mga symptoms ng buntis nagpapabili ako ni mister ng PT e. Pero negative palagi. Kaya 2nd week of February nag decide ako magpa tvs para ma sure ko talaga na buntis ba ako or nagkamali lang yung PT. Lumabas sa result ay POSITIVE BUNTIS NGA AKO ❤️ Sobrang saya ko ket tumaba ako ulit. Worth it naman lahat. Nag sesearch din ako if normal ba na malaki tyan ket 18 weeks pa lang. May nakikita naman ako na same kalaki sa tyan ko. MALAKI DIN BA TYAN NYO 18 weeks? FIRST TIME MOM po ko. Salamat sa makasagot ng maayos.