PCOS

Hello mommies, I went to my ob this morning and I found out that I have PCOS. What is the best treatment for this?

PCOS
73 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

PLEASE READ THIS. hello :) completely gone na ang PCOS ko. 2013 ko nafind out na may PCOS ako after I gave birth to my first son. Though may PCOS ako, regular lang ang mens ko but not until 2017. Di ako hyang sa mga pills o sa metformin. Kaya di ako nagtitake nun. November 2017 di na ako nag mens. Lumobo ang tyan ko na parang buntis ako. Di ako dinugo kaya medyo marami ako health issues. Kaya August 2018, I decided to exercise 30 mins everyday. Sa loob lang ng bedroom ko, close doors and windows, no e-fan. Nonstop dancing for the whole 30mins. Then, I bought virgin coconut oil sa market. Wag yung nasa malls na tig 300... yung sa palengke na pure coconut oil.. sa amin is 100 lang yan. Umiinom ako 2 table spoons before meals. In one month, nag mens ako ng napaka heavy. Nag lose ako ng weight from 100 kilos to 87kilos. Had my TVS and cleared na ang both ovaries ko. Up until now wala na kay buntis na ako ngayon. 2013 when I was diagnosed with it. Took a number of Diane pills and metformin. All of them didn't work. Try nyo lang. Wala naman mamawala kunh itry lang ninyo kasi natural lahat and less expensive than buying meds.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi po, ako rin po nadiagnose last yr , june 12,2018 na may pcos.. Then sabi lang ng doctor ko , di dapat ako tumaba, para di lumala and avoid faty food and sweets .. Year 2017 ung w8 ko po is 58kg Then di ko pa alam na may pcos ako, pero super natatabaan na ako sa sarili ko though wala namn akong mga bilbil na tinatawag .. pero feeling ko ang taba ko .. kaya august 2017 pumasok ako sa gym to workout.. and nagstop work out january 2018.. and ung weigh ko dat time is 53kg nalang June 2018 na in ako sa deped , and nanibagu sa environment mas lalo akong pumayt na umabot ng 49kg ang kilo ko .. and something wrong sa mestruation ko ..kaya nagplan akong magpachek up nung june 12,2018 .. Then 1yr po akong nag paalaga pero never po akong neresetahan ng pills kasi alam kong kaya ko kahit walang medicine ... June 24,2019 nalaman kong buntis na ako :) and super happy ko .. kasi sa 1yr na super maintain ko ang kilo na 49kg or minsan 50kg , nakabuo kami ng baby ... I am now 23weeks preggy and 51kg po ako now :) akala ko babalik ako sa pagiging chubby pero di po nangyari.. baby ko po bumibigat..wala pong fats sakin ..

Đọc thêm

Diet lang po... nung nag pa ultrasound ako noong September 7, 2019 may PCOS din ako..... then she advise me na mag diet .... Nasa group din ako ng intermit.. diet..... then nag start ako mag diet noong September 20, 2019 with exercise.... low carbs lahat kinakain ko and healthy.... laki bg bawas ko ng timbang....... then noong October 17, 2019 napagtripan ko na mag PT .... Kac nga 3 mos. Na kong d na datnan at aminado naman ako na irregular ako kac may PCOS nga ako.... at laking gulat ko na pregnant na pala ako.... 5 weeks pregnant na ako.... and nag pa ultraaound ulit ako nung October 18, 2019... yun laking gulat ko pregnant na nga ako nawala pa PCOS ... at normal ovaries na ako..... naka sched. Pa naman akong bombahan ang tube ko ... which is masakit yun... then papa itlogin daw ako kac immature daw eggs ko..... huhu! Laking gastos nun... but thanks sa baby ko save nya ko.... Now Im 6 weeks pregnant... Diet ka.lang and change ur life style....

Đọc thêm

Hi sis! Just want to share lang din may experience.. Ang first born namin ni husband is 9 yo kaya nagpacheck up kami dahil wala naman na kami contraceptive na ginagamit talaga. Based sa utz ko may pcos ako, sadly both ovaries ko. Wala akong napproduce na egg cells. then may mga cyst na din sa paligod ng ovaries ko. Maliit daw yung chance na mabuntis ako OR mabuntis man ako very risky daw sakin at kay baby.. so ang ginawa ko nag paalaga ako sa ob hehe. Nagdiet ako, nagtake ng kung ano anong gamot at pills then inadvice din ako to take rest. kasi nadedevelop din daw ang PCOS sa lifestyle. at pinaka effective na ginawa ko? nagpunta kami kay Padre Pio sa Batangas. yung mga towel namin pinahid ng asawa ko kay padre pio at sa tyan ko.. so ayun. After more than a year nang lahat ng yun e ito nagkababy kami ulit at 1month na kami today 😊😊

Đọc thêm

Avoid Sweets, Healthy Life style. thats the best thing u will do . Im diagnosed PCOS last 2017, Undergo treatment, taking pills. etc etc. pero nakakasawa TTC ka then ala den . So i'l stop medication for almost 1yr . Really Dont mind my condition na! One day we have charity event Blood Letting. And nag donate po ako. 3 - 4 weeks ! after i donate . Taddaahh preggy ang Lola . dko po expect talaga . Now im 26weeks na po . Para sakin sis pangalawa nlang yung medication. Kasi khit anong gawin, iexpect mo man o nd . kung ibibigay sau ni God. ibbigay talaga sau 😇 Like me. donated my blood pra makadugtong ng buhay ng iba. and this is it. buhay din ang binigay ni Papa God saakin dto sa sinapupunan ko bilang kapalit. Hoping for your fast recovery sis😘

Đọc thêm

Hi, share ko lng po experience ko. When I came back from abroad I am ready to start a family with my partner. But, i was diagnosed with PCOS also. Umiyak pa po ako nun kasi sabi ko gusto ko na talaga, pero ngdasal ako sabi ko pa nun kay Lord na if it's His will then i will accept it. But then, my OB told me wala nmn tlgang gamot sa Pcos kusa daw natutunaw ung mga bukol.. Lalo ako nalungkot kasi bka nga daw mahirapan ako lalo mgbuntis nun.. Tapos sabi nya na i have to lose weight and take pills for 2 months... And then ayun po right after ng pills nbuntis agad ako... Even my OB nagulat... Pray lang po and follow your OB.. Godbless po and goodluck!

Đọc thêm
Thành viên VIP

Meron din po ako... Diet lang po. I didn't take any pills or meds. Totally stop Carbs kahit white bread, anything na may sugar lalo na softdrinks, and processed foods lalo na noodles and even hotdogs. Puros gulay and fish lang. I also went to the gym. Di po kasi nagwowork sakin yung pills kasi nahihilo ako though yun yung recommended ng oby ko. Left and Right ovaries ko may cyst at the start. Then after few months yung right natunaw talaga. Yung left meron pa pero maliliit nalang. Nalaman ko may PCOS ako Oct 31 2018. Nalaman kong buntis ako Oct 14, 2019. 🙏

Đọc thêm
Post reply image
Thành viên VIP

Hi. No need po na Low Carb Intermittent Fasting ang diet nyo. Kailangan lang po is balanced diet and right amount of calories. If overweight or obese need nyo po magbawas ng timbang. I was diagnosed PCOS 2 years ago and last October nag try ako mag lose ng weight thru PROPER DIET and EXERCISE. After 3 months, I got pregnant pero with regular consult sa OB kasi possibly may other factors like hormones imbalance na need pa i-correct. Hindi po advisable ang LCIF lalo na kung may pre existing condition ang individual.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Meron din po ako... Diet lang po. I didn't take any pills or meds. Totally stop Carbs kahit white bread, anything na may sugar lalo na softdrinks, and processed foods lalo na noodles and even hotdogs. Puros gulay and fish lang. I also went to the gym. Di po kasi nagwowork sakin yung pills kasi nahihilo ako though yun yung recommended ng oby ko. Left and Right ovaries ko may cyst at the start. Then after few months yung right natunaw talaga. Yung left meron pa pero maliliit nalang.

Đọc thêm
Post reply image
5y trước

Wag delusional mommy walang cure ang PCOS. Ganyan din ako noon tapos after manganak meron pa rin pala

Nadiagnosed din ako ng PCOS last year sis. Metformin ang nireseta sakin nung first OB ko. Then exercise and iwas fatty foods pti processed foods. But then, hindi ako nagtake ng kahit anong meds. I just went to the gym, iwas alcohol, junk foods and processed foods. Even mga fast food. Then PRAY. And unexpectedly, I'm 13 weeks pregnant now. Glory to God. 🙏

Đọc thêm