Paglilihi
Just wanted to share mommies. Sobrang selan ko po maglihi, 2nd baby ko na to akala ko kahit pano magiging okay yung paglilihi ko pero ganun pa din. Madalas maduwal, pinipilit kong hindi sumuka dahil ayoko ng sumusuka. Madalas masakit ang ulo at nahihilo. Sobrang sensitive ng pang amoy at panlasa ko. Hindi ako makakain ng maayos. Normal weight ko is 54-56kg, pero ngayon 49kg na lang ako and I'm just 9 weeks pregnant. Madalas din akong may kabag at acid reflux. Hayy. . . Ang swerte po ng mga mommies na hindi nararanasan ang ganito.