21 Các câu trả lời

Same problem dito sa bahay ng magulang partner ko Walang privacy ako yung tipo na tao gusto ko may privacy lalo pag nagasawa ka o kahit wala ka asawa kasi saamin hindi din kami basta basta pumapasok sa kwarto hindi nakatok lalo pag magaasawa na kailangan mo parin kumatok kumbaga respeto nadin hindi yung bigla bigla ka pumapasok sa kwarto na hindi nakatok para saakin nakabastos. Dito kasi sa bahay ng partner ko ganyan din sila basta basta na lang pumapasok lalo na yung tatay ng partner ko ang ingay pa mag bukas ng pinto tapos siksikan pa kami sa kwarto kasama ko pa sila matulog nanay at tatay nya nakakaano lang kasi pag tulog ako hindi ko na alam position ko baka nakabukaka na ako o di kaya kita yung singit ko mga ganon e minsan lang kami magkasama ng partner ko kasi may work sya sa manila kaya minsan tatlo lang kami sa kwarto (Ako Nanay at Tatay) pagbabalik na partner ko sa work nya tapos ang iingay nila lalo na yung tatay nya jusko ang sakit na tenga ko sa kanila topos pinaka ayaw ko sa lahat hilig mag mura ang aga aga nagumura na sila kung hindi maingay yung aso pati sila maingay yung tipo tulog ka magigising kana lang sa ingay nila mga walang respeto hindi man lang nahihiya kaya sobrang na istress ako kasi paano na lang pag nanganak na ako pag lumabas si baby diba? Hirap ng ganito situation kasi ako pati yung bata ang mag adjust para sa kanila 😭

Bukod na sis. Mas lalo kang mahihirapan niyan pag nanganak kana, wala kang privacy lalo lalo na pag mag breastfeed ka

Dpt mag step up ang hubby mo kasi hnd tama yan. Ano hayaan lang nya pinsan nya ganyan gawin sainyo? Saan ang silbi nya as the head of your family na dpt to protect kayo ng anak mo? tulad nyan bastos ang pinsan nyang walang manners. Dapat ultimano kausapin nya ng maayos at seryoso. Dito sa bahay ng in laws ko alam nila schedule or rourine namin kaya kapag oras ng tulog namin at work ko wala tlagang kumakatok samin unless emergency. kasi one time nagising anak namin dhil sa katok or ingay nila ayun nagalit hubby ko at kinausap sila kya hnd na umulit. Kahit nakikitira kami dto sa in laws alam nila bounderies nila. Hindi din sila pwede mangielan sa parenting style namin mag asawa. Its because my husband explain that well sa mga kasama namin dito sa bahay. Minsan kapag wala ang hubby ko dito ako na mismo nagsasabi sknila kapag may ayaw ako syempren in a good manner. ako kasi hnd ako takot magsalita lalo na if tama ako at if anak ko ang mapapahamak. Kaya kausapin mo hubby mo na ayusin nya yan.

Wala namang masama kung magsasabi ka at magset ng rules mo lalo sa sarili niong kwarto. Kaya sobrang importante na maituro ang respeto sa tao habang bata pa. Kids ko nga alam ang respect at privacy. Lalo na I have boys and girls. If I were you mii, set the boundary. It's your right and para na rin sa baby mo. Para lumaki siya na alam niya ang mga ganyang bagay dapat magstart sayo yan. Kung maoffend ang pinsan, hayaan mo. Sometimes you need to speak up to let them know their limitations. Halata kasing hindi siya aware sa nagagawa niyang invading privacy sayo. Tapos yung nagbibihis ka tapos biglang may papasok?🤨 Nakakagalit😤

Auto lock if you do not want to offend. May point ung jba na minsan maiignore ang signs. Actually nakalock na nga.. Kakatok pa ng malakas at sisigaw pa. Ang saya diba kahit na sabihin na mabuting masanay si baby na maingay ang paligid iba pa rin ung tahimik ang paligid at parang at peace ka rin. Nakakainis ang sobrang ingay lalu na kung matatanda. Well kung may bata maingay talaga pero understood at dapat napagsasabihan ng matatanda pero kung ang mga matatanda ang nag iingay at may mga natutulog ang sarap lang talakan pero haaaaay na lang..

ganyan din po dito sa bahay. kaya lahat sila sinasabihan ko na kumatok ng mahina bago pumasok. madalas nakalock na pinto. sinasabi ko rin na pakiramdam nila kung natutulog ba si baby, kapag tahimik ang kwarto malamang sa tulog ang baby kaya wag na nila subukan pang sumilip. madalas din kapag narinig ko nang may tao sa sala, auto lock na ng pinto para di sila agad agad pumasok, kapag kumatok sila, dungaw lang ako sa pinto para senyasan sila at di ako bibigay ng sign na welcome sila pumasok.

true ang hirap kaya magpatulog kay baby, isang kalabog lang nagigising agad

ilang taon na po ba si pinsan?. dapat kausapin ng hubby nyo, sila dapat ang mag adjust kasi may baby kayo na inaalagaan.. privacy na ang pinaguusapan kasi..kaming mag asawa, walang kasamang in laws sa bahay kundi auntie nya (bukod sa panganay ko).. I'm pregnant, kahit ano pang kailangan ni auntie sakin o kay hubby o kay anak man, kumakatok talaga sya sa pinto.. kausapin nyo si pinsan in a nice way..para alam din nya limitations nya sa pagpasok sa kwarto ng may kwarto 😊

it is still better to talk to the person regardless kun pano nia iti-take or maooffend ba sya kesa nman kayo na un nahahassle sa gngawa niang pang iistorbo sa privacy niyo..talk it out, iniisip niyo un magiging feelings nia when both u and ur hubby disregard your own and worst nadadamay si baby sa pang iistorbo nia momsh..prioritize niyo pa ba si pinsan over your private family life? at ok lng din maglock ng door, ang mag-asawa may privacy,maiintindihan dapat nila yan..

TapFluencer

for me, mag lagay ka ng Note sa door ng: DO NOT DISTURB. Tulog pa si baby. salamat sa pag unawa. Kaya kayo na sstorbo kasi di kayo nag sasalita mag asawa. Kausapin nyo maayos, sabihin mo te, ok lang ba nag bibihis ako mamaya na? or tulog si baby, pahunga muna ako sasabayan ko matulog. kaya ganyan ginagawa nya kasi kala nya ok lang, walang sumasaway e. bahala na sila magalit. haha lilipas din yan.

VIP Member

Ok lang po maglock momsh. Kailangan mo rin ng privacy. Pwede rin po kayo maglagay ng pls do not disturb na sign sa may pinto niyo pag natutulog si baby. Or “Knock First, Baby is Sleeping” na sign. Minsan kasi talaga may mga tao na hindi nakaka-take ng hint. Kaya kailangan mo ring sabihin agad para hindi lumaki yung issue.

masyado nyong iniisip ang sasabihin ng ibang tao. e sila nga di man lang nagbibigay consideration sa inyo. eh ano ngaun kung maoffend ang pinsan nya na yun? bastos naman ugali nya, kung di nyo yan pagsasabihan di yan titigil. ano hinihintay nyo? HIMALA??

Totoo iyan sis. Yung mother-in-law ko napaka inconsiderate pag andito sa bahay, di na ako nahihiya pagsabihan. Hindi naman siya nakikinig sa asawa ko kaya ako na nagsasabi minsan para di ako ma stress!

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan