18 Các câu trả lời
same here... wala din pong folic acid na binigay ang OB ko. ang vitamins ko lang ngayon is spirulina. Pinagtake din po ako ng duphaston+duvadilan for 8 weeks 3x a day since may internal bleeding ako noong nagpaTransvi ako @6 weeks and diagnosed as threatened abortion. Para sure daw po na tuloy tuloy ang pagbubuntis ko hanggang matapos ang 1st trimester. 14 weeks preggy now at hopefully pagbalik ko kay OB sa Saturday, ok na ang lahat.
I-clear ninyo nlng po ulit sa OB ninyo regarding prenatal vitamins and why hindi niya nirerequire. Ako kasi even before pa magbuntis pinagttake na ng vits and lalo na ngayong buntis, kasi ceucial xa sa development ni baby. Since considered early pregnancy pa po kayo, pwede pong naniniguro lang si OB thats why pinescribe niya na magtake kayo ng pampakapit, especially if may risk factors kayo (age, other conditions, history. Etc.)
first pregnancy ko na miscarry ko at 7-8wks kaya nung nabuntis ako for the second time, kahit wala akong bleeding, nanigurado ung OB ko na wag ako makunan since may history nga ako ng miscarriage at early stage of pregnancy. niresetahan ako ng duphaston for a month + folic. im now 22wks pregnant, ang vitamins ko is Obimin+, Calciumade and Iberet+Folic. may kasama pa yng fishoil pero di ko tinatake.
Pwede po mag Duphaston kahit walang bleeding. Safety precaution po during First Trimester First Trimester - I took Duphaston (3x a day) for 2 months, and Folic Acid po, before pregnancy and first 3 months during pregnancy. Second Trimester - I've been taking Iberet (Iron) + Folic, and Clusivol OB.
thank you po mommies... tinitake ko na dn ung folic acid para sure hehe.. yung duphaston kanina ko lang sinimulan tska wala kase syang nilagay na good for ilang wks yung nireseta nya kya unti lang muna binili ko tska ang mahal hahaha.. 34 na ko and 1st time to be preggy sana hindi ako magkaproblem.. 🙏🏻
Importante po uminom ng folic acid, fern d, fern activ and milkca. Ayan po yung prenatal vitamins ko. First pregnancy ko, miscarrage din po. Kaya ngayon sa 2nd pinatake na ko ng duphaston. At okay naman wala naman discharge. 22 weeks pregnant na ko ngayon. 🤗
First trimester, may folic acid po na pinatake talaga. Sa pampakapit, pinainom din ako pero Heragest ang brand naman kahit walang bleeding. Para lang daw sure pinainom ako for 2 weeks bago ako pina tvs. Kasi maaga din nadetect pregnancy ko around 4 weeks din.
sakin 2nd trimester ko na nung niresetahan ako ng OB ko ng folic. nung 1st trimester ko alaga ako ng duphaston kasi para mas kumapit at hindi threatened yung bleeding or spotting
i think important po ang folic pang develop kasi sya ng parts ng baby sa pagkakaalam ko, duphaston po not only for spotting but also po pampakapit kay baby
Folic acid, DHA+omega,and multivitamins rejuvon po 16W1D npo si baby😇😇😇😇Godbless po satin mga Mommies🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Anonymous