67 Các câu trả lời

Ginaganyan din ako ng lola ng asawa ko, lagi ako sinasabihan na parang hindi naman daw ako buntis, worst pa non minsan ikinukwento pa sa iba. Nung nalaman yun ng hubby ko, nagalit sya. Bat daw ako ginaganon. Pinagsabihan nya lola nya, at simula non di na nagsalita ng mga ganong bagay. Pero ilag padin ako sa kanya. Sama ng ugali e. Ps. Hindi ako nag sumbong sa asawa ko na ginaganon ako ng lola nya. Yung pinsan nya yung nakarinig at sinabi agad sa asawa ko.

VIP Member

Di lang ikaw nkakaranas ng ganyan momshie ako din piro ngaun 6mos na si baby bigla nalngbdin lumaki at sila na din nkakapuna,oy malaki na tiyan mo.kailan na yan lalabas wag mo lang ramdamin masyado isipin mo nlang compliments lahat ng sinasabi nila.dati maramdamin ako konting salita lang niraramdam ko talo ako kinunsume ko sarili ko sknila sa mga walang kwentang pinagsasabi nila kaya ngaun deadma na ako kung anuman mga sinasabi nila.

7 mos po ako pero now lang ng lumalaki tyan mo hindi pa din ganun kalaki. Sabi ng OB ko normal lang naman daw. Wag mo nalang po pansinin yung sinasabi ng iba. Focus ka lang po sa pagbubuntis mo. Ako nga ayoko ng Nahahalata ng iba tyan ko, of course proud ako ayoko lang na napapansin masyado baka kasi mausog lang ng ibang tao. Hehe..kaya dont stress your self po meron talaga na maliit lang magbuntis. FTM here. :) Keep safe po! :)

same, 21 weeks na ako pero maliit pa din tiyan ko, nakakainis lang kasi sasabihan kang hindi buntis e nararamdam ko nga yung sipa ng anak ko, sasabihan pang niloloko ko lang partner ko kasi hindi naman daw malaki tiyan ko, alam mo Momsh hayaan mo sila, hindi naman sila yung nagbubuntis e hindi nila alam yung feeling mo, dedmahin mo na lang yung mga taong wala ibang ginawa kundi kumuda ng kumuda 🙄

Mommy sakin nga sa mother ko pa mismo naririnig yan may kasamang pang lalait pa, lagi pinapansin tyan ko in a nega way. Hayaan mo na lang po basta healthy si baby, kay OB ka lang makinig. Deadma na yang mga yan. Since emotional tayo di din macontrol minsan na masaktan pero pray harder na lang tska patugtog na lang kayo ni baby, laruin mo sya at kausapin pra may bonding kayo at nalibang ka pa🙂

Wag mong Pansinin yun Momshie.. Si sheena halili nGa na artista eh going to 6months na ang tummy pero parang nabusog lang sa handaan😂 nakapag swimsuit pa ang liit ng tummy nya. Mas malaki pa Nga yang sayo.. Wag pa stress sa mGa taong walang naitutulong na maganda😉.. Basta Pray tayo at safe ang pagiging Preggy maging masaya tayo.. GOD BLESS po sa ating lahat na mGa preggy😍😍😘

VIP Member

Momsh, wag ka pong mahiya, and hayaan mo sila, mas malala pa nga sakit ehh 6mos na tyan ko di pa ako pinapapila sa priority lane , napapahiya pa ako.. 7.5mos or mg 8mos na nung lumubo tyan ko . .imagine medium size ako pero di tlga lumubo agad tyan ko to the point na halos di nga po ako nakakaupo sa priority seats ng bus ..

Wag ka mastress mah, hayaan mo sila oi. Iba iba naman yung buntis e. Ginaganyan din ako ng kakilala ko before kase petite katawan ko. 7 months pa lumake tyan ko. Ngayon puro sila reklamo, anlake daw ng tyan ko para sa timbang ko. 🙄 Pero as long as healthy kayo ni baby mah, hayaan mo sila.

Dedma lang sis. Wag mo silang patulan basta alam mong healthy si baby. Dagdag lang sa stress yan. Ganyan din sakin noong 5 months preggy ako, dami nagsasabi para daw bilbil lang. Tas around 7 months bilugin na tummy ko😊 kaya wait natin yan magiging visible din baby bump mo mamsh.

TapFluencer

Alam mo naman mismo sa sarili mo na buntis ka, wag mo na lang pansinin sinasabe ng iba, kung ayaw nila maniwala sampal mo sa kanila Ultrasound mo di yung dini-discriminate mo lang sarili din mo. at kunting diciplina na din, bawas kain baka mamaya mahirapan ka manganak, tsar lang

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan