7 months pregnant but not still having enough milk
Wala pa pong lumalanas na hatas sa boobs ko nagwoworry ako kasi baka wala lumabas na gatas pag lumabas na si baby. Ano po pwede kong gawin?? Advice po sana salamat sa sasagot Ano po kaya pwede kong gawin mga mamshi
Pano nyo po nasabing not enough milk kayo if di pa kayo nanganganak? ang breastmilk po, as early as 19weeks meron nang pinoproduce sa breasts natin. pero lumalabas lang yun if nanganak na, since ang oxytocin (hormone na present during delivery at contraction ng uterus) nagcacause ng stimulation sa breast to release milk samahan pa ng latch ni baby. Some pregnant moms may leaks na by 24weeks pero that leak po ay di naman po basehan na magiging magatas o hindi pagkapanganak... naglileak lang yun due to high hormones po. Better relax and enjoy lang ang pregnancy mo. dont worry over something na di pa naman po dapat lumabas kung di pa naman need.. isa pa po, ang pagwoworry o stress nakakadagdag po yan bakit mahina ang paglabas ng gatas lalo na pagkapanganak. so stay happy and positive lang. and wait ka lang sa process. sa 1st ko walang leaks during my entire pregnancy, i have small breasts din, pero nung nanganak na ko sobrang dami kong gatas, tulo lang ng tulo.. the sad thing lang nasayang lang yung gatas kong yun kai wala na yung baby ko. ngayong 2nd ko, 24weeks, nagleleak na pero syempre di ko pa alam ano mangyayari dahil di pa ko nanganganak, hinahayaan ko lang, di ko ineexpress kasi baka magcontract ako..iba iba talaga ng journey. wag kang mapresaure sa mga nakikita at nababasa mo rito na may leaks na sila. iwasan din magcompare ng pregnancy journey mo sa iba para iwas worry. as long as healthy ka at si baby mo.
Đọc thêmNormal lang po yan mi, ako nga po pagpakapanganak ko sa baby ko wala din gatas lumalabas sa akin, nang hihingi pa kami sa mga nanay na may gatas na para di lang magutom baby ko. Ginawa ko po is kumain lang po ako ng mga shell tapos may sabaw, sinabayan ko na din po ng natalac na supplement para dumame gatas ko. After 3 days po, dumame na gatas ko until now po na 5 months na baby ko, lagpas 200ml yung na pproduce ko, at sa right side palng po yan. Basta gawin nyo po is pa latch lng kay baby or e pump po para lumabas yung milk nyo ☺️
Đọc thêmIba iba naman tayo ng katawan, mommy. Yung iba blessed talaga na habang preggy pa eh may milk na agad na lumalabas. Though lahat tayo habang preggy nagpproduce na ng milk nagreready na, pero pagkapanganak usually pagsusu ni baby tsaka pa lang talaga lumalabas ung milk. Basta't unli pasusu lang mommy. Wag mo isipin wala kang milk. Maccheck mo yun sa output ni baby like wiwi and dumi.. Tapos pawis pag nagpapawis na sya. :)
Đọc thêmNormal lang po iyan, madalas po kase lumalakas ang production ng milk once manganak na po, dahil nailabas na ang placenta, ito daw po kase ang reason kung bakit di agad nagkaka gatas while preggy dahil nagpoproduce ang placenta natin ng estrogen at progesterone. Kaya no worries po, pag kaanak mo magkaka milk ka din po, kaya wag mapressure
Đọc thêmHi mii! Nung di pa po ako nanganganak. Wala pa po nalabas dn sken. Then nung nanganak po ako after 3days palang po. Tyagain niyo po sa latch. Then inom po kayo milo. Pag sa una po parang wala po nalabas na milk. Pero nadede si Baby, pag umiihi o nagpoop si Baby ibig sabihin lang po nun. May na dede po sya di palang po pede na madami..
Đọc thêmganyan din ako mamsh..tataka ako bakit ung iba may gatas na nalabas sa kanila kahit buntis palang. pero nung nanganak ako may lumabas na,nung una hindi pa kulay gatas.parang clear palang ung nakita ko,hanggang sa naging white na sya..unli latch lang talaga mamsh.wag ka mag alala
may iba lang pinagpala momsh. ako din nung nanganak nga ko wala pa din kasi hindi agad pinalatch saken si baby sinalinan kasi ako dugo. medyo lumalakas lang milk ko netong pa 3 months old na baby ko.
wala pa at this time pero lagi na po kayo kumain ng mga galactagogue check nio sa google mga pagkain na nakakalakas ng gatas. ako nagtetake na ng malunggay capsule nun 7mos preggy
madalas after delivery pa lumalabas ang milk. learn more about breastfeeding by watching webinars or yt vids, join bf support groups, read books and articles.
wag ka paka stress mie magkaka gatas ka din unli latch more water sabaw and malunggay cap pag labas ni lo pede ka uminum safe and effective .. 💜