working mom

vent lang po. full time working mom po ako.. may yaya naman po si baby stay out po. pero minsan d maiwasan na lumiban si yaya. kaya minsan din d ako nakakapasok sa work. may time din yun na nawalan yaya si baby.. kc umalis. any ganito kc yun. ung partner ko actually d kami magkasama sa bahay ayoko kc sa knila mag stay kawawa lang kc ako pag andun ako. yun tipong busy ako sa bata and all padede d man lang ako asikasuhin ng partner ko ung pagkain na lang. lagi ako nalilipasan gutom pag andun ako sa kanila. naiiyak na lang ako habang sya busy sa celpon nya kung maisipan nya kuma8n or nagutom sya saka lang sya mag hahanda. syempre d rin naman ako ganun ka at home sa kanila para mangialam sa kusina saka wala naman laman kusina nila lagi.. alam nyo po yung pagod na ako antok and all. tapos nagguilty din ako sa baby ko kc dumedede sa kin dios ko ano ipapadede ko kung gutom ako? grabe hirap na hirap ako pag andun sa kanila. kaya mas gusto ko na sa bahay na lang ako d pa ako nagugutom. tapos ito nga kc madalas wala bantay si baby syempre d ko naman ode iaasa lahat sa nanay ko kc may pinagkakaabalahan din naman at intindehin sya. minsan nakikiusap ako sa partner ko na kung pde sya muna bantay kay baby.. naiinis lang ako kc every sabi ko lagi sinasabi d sya pde d sya pde mag absent sa work ganito ganyan.. so ang lagay ako lang pde mag absent? tapos pag sinasabihan ko sya ma kung tumigil na lang kaya ako sa work ayaw naman kc d nya kaya. kakaasar d kaya pero ayaw naman ako tulungan. kahit nung buntis ako ganun din sa buwan buwan na nag papqcheck up ako 3x lang ako sinamahan kc kesyo d nga daw sya pde lumiban sa work. nakakabwesit lang.. hay naku..

6 Các câu trả lời

Nakarelate ako sa kwento mo momsh, in a way ganyan din un partner ko, but not sa part na ginugutom nya ako, kahit pre natal check up ko din nun, once nga lng nya ako nasamahan eh, try to explain it to him in a nice way na anak nyo yan and kelangan magkasanga kayo sa lht ng bagay,hindi nmn pwede na lagi nlng ikaw, baby nyo yan eh, he should also take the reaponsibility as the dad of your baby,he should also do his part kasi mhirap pg ikaw lng ngsasacrifice, sabihin mo pg panay absent mo bka nga mawalan ka ng work which is ayaw ni partner mo mngyari un dba at hindi nga dw nya kaya. Basta momsh lahat nmn nadadaan sa paguusap.Goodluck and Godbless

Nako momshie tama lng ginwa mo na umalis sa puder ng tatay ng anak mo kesa namn mas mahirapan ka pag ksama m pa siya yung tipong inaasikaso mo na nga anak mo tapos pati siya aasikasuhin samantlang di ka niya maalagaan o maasikaso napaka unfair feeling binata pa!!! Focus ka nlng muna sa baby mo. Kesa sa wlang kwentang lalaki

madali masabi na naging tatay ang isanf lalaki dahil nakabuntis pero di lahat nagpapakaama at kayang maging ama. putcha nuknukang walang kwenta ng ama ng anak mo. sorry for stating the fact. aba eh kung kaya mo solohin mo anak mo kesa mastress ka sa partner mo na walang paninindigan

Kasal po ba kayo? kasi po ang pagaasawa at pagbuo ng pamilya ay di ginagawa ng isang indibidwal lamang. iparealize mo sknya na mas okay kung magtutulungan kayo, di po porket nagbibigay sya ng sahod nya e mabuting tatay na sya. #JustSayin

wag mo nang ituloy makisama sa tatay ng anak mo. wag ka na rin umasa sa kanya. patulong ka nalang sa pamilya mo. hanap k ng relative pwd magbantay sa anak mo.

Immature ang tatay ng baby mo.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan