usapang lungad, burp at dumi mg breastfeeding babies

Usapang lungad, burp (dighay), pawis, wiwi at dumi sa breastfeeding baby. •Lungad (spit up) Bakit ba nalungad ang baby? Overfeeding na ba siya? May mali ba sa gatas ni nanay? Sa dinami ng pinagbabasa ko and pagtatanong sa mga breastfeeding advocate doctors palagi ang sagot nila sa akin normal lang ang paglungad nila. Ang gatas ng ina po ay makakatulong sa pagdevelop ng kanilang tiyan o digestive system. Ngunit kung may ibang sintomas ng sakit gaya ng pagtamlay, hindi nagbibreastfeed, sinat o lagnat dalhin na sa doctor ang inyong sanggol. Paano kapag talagang sumuka ng marami? May pwersa, bumulwak na? Nagwala pa si baby... Kung projectile vomiting nagbobote ba kayo (kahit breast milk ang laman o formula). Yan na po ang overfeeding. Kapag exclusively breastfeeding naman po kasi walang overfeeding sa sanggol ng gatas kasi siya mismo naghahanap ng breast ng nanay, si baby rin ang nakakacontrol ng pagdede nya sa nanay. Kung ito ay palaging nangyayari mas mabuti kumunsulta sa breastfeeding advocate na pediatrician. Paano kapag lumabas sa ilong ang gatas? Kahit anong position ng breastfeeding may instances na nilabasan sila sa ilong, sa mga anak kong exclusively breastfeeding nangyayari ito dahil sa bilis ng daloy ng gataa (overactive letdown) dahil oversupplier ako at kadalasan po nangyayari kay bunso ko pag sobrang nakatulog siya, nakatulugan na nya ang breastfeeding, naguunlilatch kasi kami ng mga anak ko and di ko po inoorasan ang feedings nila. Tinanong ko ito sa aming pedia kung anong gagawin, obserbahan lamang kung may sintomas ng pagtamlay at kung magbibreastfeed pa rin. Puro lungad na lang palagi may naaabsorb pa ba siya? Oo naman po, may naabsorb pang breastmilk yan. Bilangin ang ihi, palit ng damit (kasi ang pagpapawis lalo na summer ngayon!) at dumi ng inyong sanggol. May aspiration ba kapag breastfeeding? Mapupunta ba sa baga ni baby ang gatas? Basahin po rito ang sagot jan ni Dr. Anthony Calibo https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/878558025574019/ •Burp o pagpapadighay kay baby Kailangan ba ipa-burp si baby? Kung exclusively breastfeeding siya (walang bote at pacifier o kahit anong artificial nipples) at maayos ang pagbreastfeed ninyo at ang position ay tummy to tummy hindi po nakakahigop ng hangin ang baby, hindi sila nagbuburp. Kadalasan ang burping ay para sa mga bottlefeeding babies po, mali ang latch ni baby at masakit at kung si baby ay nalalakasan sa flow ng gatas (overactive letdown). Ang mga exclusively breastfeeding babies po ay hindi paladighay, ang kanilang ginagawa ay ang umutot (fart). Kung nais nyo pa rin magpa-dighay at choice nyo na ito bilang magulang pero kung mahimbing ang tulog nya o ngawit/pagod ka na sa pagbuhat, upright sa kanya ihiga nyo na si baby, flat on the bed or pa-side hindi kailangan ng unan. Make sure na sundin ang tamang bed sharing practices po okay? Ilayo ang mga unan, stuff toy, comforter o kung anuman pwedeng mag block/harang sa mukha ni baby.. Personally kapag gusto kong magpaburp inaakap ko lang sila, ipapatong ko ang baba nila sa shoulder ko tsaka kusang magburp naman ang mga sanggol. Walang extra na kailangan gawin. Kung ayaw magburp o dighay wag nang pilitin. •Kinakabag ba ang breastfeeding baby? Colicky? Lactose intolerant sa breastmilk? Hindi po recommended ang manzanilla sa mga sanggol mas mainam mag virgin coconut oil or baby oil na lang kung nais masahehin si baby. Kung mali ang latch at breastfeeding position at hindi exclusively breastfeeding opo kinakabag sila. Basahin natin ang tip na binahagi ni Admin Richelle Lim na turo ni Nanay Ines Avellana-Fernandez founder ng Arugaan: Kung meron mang pwedeng bigyan ng remedy is just that baby is colicky. Continue to breastfeed lang po. Minsan nakakatawa na lang na bintangan pa na breastmilk pa ang cause ng lactose intolerance. Di ba cow's milk mas may problema pa sa lactose, bakit formula ang isusuggest? Kung irritable si baby, gumamit ng Virgin Coconut Oil sa pag massage. Eto ang suggestion ni Nay Ines: Your baby has colic attacks, symptoms cold feet and feet kicks because tummy cringe. though she wants to breastfeed but when tummy coils her reaction is to cry and stop breastfeeding then resume again. It takes an hour with that struggle. What to do: massage baby with virgin coconut oil in light strokes. Start with your palm following the 8 number form on her back and front body,too. Then together both your hands cupping and sliding meeting together sandwiching the waist. Stroke with your 3 fingers the back muscle by the tail end downwards between the butt. Now, fix mommy's position during breastfeeding: feet flat on floor not tip toe or hanging, sit upright with pillows at the back if it helps you relax. Shoulders not uptight or frozen. Relax. Now fix your baby's breastfeeding position: salumkipkip-hug baby tightly not loosely. Let the baby's arm wrap around your back body. Baby's nose above the nipple and press. Don't worry baby has nose bridge, she can breathe. The baby's latch must take the areola. This position avoids sore nipple. When you introduce your nipple, place it on the lower lip and automatically both lips flanged open. Gently press the baby's body .This is a good latch. Mommy's tummy pressed on baby's tummy in parallel position. Do infant massage before 4pm to avoid evening colic attacks. Keep baby always warm because her skin pores still immature and open. Mom and baby always together for human incubation. Your baby needs you most at this stage. Keep abreast. •Kaunti ang ihi ni baby.. Kapag mainit ang panahon pawisin tayong lahat. Kasama na ang ating sanggol, asahan po na mabawasan ang rami ng ihi nya. Maski tayong mga adult ay kumukunti ang wiwi kapag sobrang tagaktak ang pawis. Minsan ang kulay ng ihi nagiging dark pa, kung nagaalala kayo sa kulay dalhin nyo po sa doctor. Kung wala namang sintomas ng pagtamlay, lagnat o sinat si baby at pawisin siya at exclusively breastfeeding naman po - okay lang kayo ni baby. Basta po siya ay nagbibreastfeed at masayahin pa rin po. •Dumi ng exclusively breastfeeding baby Kung nasa 5th or 6th week na ang edad ng sanggol po normal na hindi na araw araw o regular ang pagdumi nila. Ang regular bowel movement ay concern na kapag nagsosolids ang bata at lalo na kapag mixfeeding. 1 day old newborn kailangan araw araw ang ihi at dumi may detailed post tayo jan i-lilink ko na lang sa baba. May mga interesanteng kulay ang dumi ng breastfeeding baby, kung unlilatch naman po kayo at hindi nagbibigay ng gamot, pagkain or kung ano ano normal lang ito hangga't si baby ay walang pinapakitang sintomas ng pagsusuka ng marami, panghihina, pagtamlay at hindi nagbibreastfeed. Andito po ang dapat na asahan sa loob ng diaper/lampin ni baby na kulay ng dumi check ang post na ito https://www.facebook.com/groups/376965185733308?view=permalink&id=509019889194503 -Unang araw ng newborn kulay itim ang dumi normal ito at nilalabas ang meconium. -Sa 3 o 4 araw ng newborn magiging kulay green or berde -Araw 4 o 5 asahan ang kulay dilaw, matubig o seedy, mustardy ang dumi ni baby. Bilangin ang dumi ni baby kapag marami, wag yung parang bahid na mantsa lamang. Ang dumi rin dapat sa ika-4 na araw ay 3-4 beses. Ang ihi ng sanggol sa unang 2 araw ng buhay ay kaunti lamang ilan sa kanila sa simula ay kulay red o orange. Asahan sa araw 3 o 4 ay magiging kulay tubig na ang ihi. •Iyak ng iyak si baby, di mapatahan dahil ba sa kulang ng gatas si nanay/hindi hiyang sa gatas ni nanay/Ayaw mag breastfeed ng exclusively breastfeeding baby ko/Ayaw magpalapag/Ayaw humiwalay ni baby sa akin, gusto palaging nakadikit/Iyak ng iyak si baby hindi mapatahan dahil sa bumulwak ang lungad, di regular ang pagdumi.... Pakibasa po ang growth spurt https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/2468971056532700 Mga ibang posts na makakatulong: Breastfeeding Video playlist galing Global Health Media https://www.youtube.com/playlist?list=PLlH0Gqjj4t-odOCHsAss_igjDLuWSw0te Output Chart https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/2575335869229551 Pagdumi ng exclusively breastfeeding na baby https://www.facebook.com/groups/376965185733308?view=permalink&id=2445793835517089 Admin Note ni Velvet Escario-Roxas tungkol sa pagpapawis ng exclusively breastfeeding na sanggol https://www.facebook.com/groups/376965185733308?view=permalink&id=579148578848300 MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA MGA NEWBORN NA SANGGOL https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/664954030267754/ Bakit kailangan mag unlilatch at ano ang unlilatch? https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/permalink/2489634521133020 Epekto ng bote at formula sa nagbibreastfeed na sanggol (mixfeeding, ano ang top up trap) https://www.facebook.com/groups/376965185733308?view=permalink&id=547694051993753 Hindi dapat tiisin ang maling pagbibireastfeed. Mga tips pag masakit ang nipple at pag namamaga ang dede https://www.facebook.com/groups/376965185733308?view=permalink&id=2485120838251055

2 Các câu trả lời

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-2005957)

Sana maraming nanay makabasa. Nandto na lahat..

Câu hỏi phổ biến