usapan

May usapan kami ni hubby na dito muna kami sa family nya 2years lang naman po kasi mag iipon muna kami saka naka recover na din ako pagka cs buntis ako nun dumating kami dito 7months po ako. Simula dumating kami dito ok nung una pero after a month delubyo na. Wala kaming magawa ni hubby nun kundi magtiis sa salita ng pamilya nya dahil sobrang selan ng pagbubuntis ko hindi kasi ako pwede sa province manganak dahil sobrang selan ng pagbubuntis ko may cyst po kasi ako kaya need sa hospital talaga ko malayo po hospital samin 1-2 hours byahe tapos hindi pa 24hours ang byahe ng mga sasakyan unlike dito sa manila mahirap po kapag naabutan ako dun ng gabi. Nanganak ako after 3months sana babalik ako ng province kaso nagkasakit naman nanay ko kaya hindi rin kami nakauwe so nag tiis nalang kami dito. Ngayon mag 2years old na si lo. Pero bakit nagbago na lahat ng plano namin. Unang una po hindi kami nakapag ipon dahil ayaw nya humanap ng malaki laking sahod may work sya dati pero umalis sya kasi hirap daw sya ngayon ang baba ng sahod nya ok lang daw yun atleast hindi sya hirap Napansin ko kay hubby nakukuha nya kasi lahat ng gusto nya kapag andito sya ayaw nya mahirapan kapag umalis kami kaya nagdecide ako sabi ko makaipon lang ako ng 20-30k aalis na kami dito. Nag iipon ako ng hindi nya alam sinasabi ko sa kanya umalis kami ng anak mo kumain kami sa ganyan ganito. Pero nilalagay ko sa savings namin sa cebuana yung micro savings hindi nya alam yun kasi alam nya lang dun sa mga points meron na kasi ako nun dati pa hahaha. Ok lang sa kanya gumastos ng gumastos kami. Tinetake advantage ko na to na may pera pamilya nya at sinusuportahan sya para makaalis na kami dito.

1 Các câu trả lời

Walang pangarap para sa inyo sa hubby mo mommy. Maganda yan Plano mo. Hoping makaipon ka agad Ng pera

Sana nga po momsh kasi ayaw nya talaga umalis dito sarap sarap daw ng buhay namin dito kapag nagsasabi ako sa kanya ng prob.ko about sa family nya sinasabi nya sakin arte arte ko daw hindi nalang daw ako magpasalamat at hindi kami nangungupahan.

Câu hỏi phổ biến