12 Các câu trả lời
baka po mali yung pagkakacollect mo ng ihi? dapat di mo muna kunin yung unang labas ng ihi, mga kalagitnaan na tsaka mo lang itatapat yung stool. And dapat malayo rin sa pinaka pwerta yung stool kasi baka naidikit mo kaya ganyan kataas. Mag-aantibiotic ka nyan mamsh pag pinabasa mo na sa OB mo. 8-10 nga lang ako dati, pinag-antibiotic agad ako. Repeat urinalysis ka nlang din and more water po and pure buko juice. Pero para sakin mas effective ang pure cranberry juice. nawala UTI ko dun
ganyan din po ako sa Una Kung lab sa urine mataas .Kasi unang ihi kinuha ko😅 kahit inom ako ng inom ng water Pero nag take pa Rin ako ng antibiotics. after a week nag pa lab ulit ako inayos ko na Pag kuha ng ihi ko . Okey na UTI treated na ako. tapos na ako lahat sa lab ko 🥰 waiting na Lang Kay baby ☺️❤️ sundin Lang po lahat ng sinabi ni doc/Ob. I'm 30 weeks pregnant 🥰❤️
Ang taas ng PUS CELLS mo, 0-2 lng kasi ang normal baka need mo mag antibiotic nyan. Prone kasi talaga taung mga buntis sa UTI kaya ako 1st trimester palang panay buko ko na kasi mahina ako sa tubig kaya sa buko ko nlng bnabawi.. Awa ng Diyos nakadalawang urinalysis na ako normal naman.. 🙏
maginom ka na lng po mainit na water tuwing pgkagising mo s Umaga.. ugaliin mo po momshie para mawala po yan UTI mo. then more water po.
Prone po sa UTI ang preggy. Practice good hygiene po talaga dapat and water therapy muna while taking medications
ung urinalysis ko din ng una 15-20, unang ihi ko kse yun dapat daw pangalawag ihi o kaya kalagitnaan ng ihi.
pero 2 weeks pa din ako ng water nun tapos ng pa urinalysis ulit ako 1-3 na lang.
ang taas ng pus cells mo ibig sabihin mataas uti mo momshie mag aantibiotic ka niyan sobrang taas eh.
baka mali lang pag collect mo mi
need mo mag antibiotic nyan mommy. pus cells dapat 0 yan. pakita mo sa OB mo.
PUS mo ang taas po at taas ng bacteria mo buko po kayo every morning
may UTI po kayo.pa checkup agad kay OB para ma resetahan ng antibiotic
pag ganyan po kataas need na yan ng antibiotoc,mas matakot ka pag di yan na gamot pwede makuha ni baby ang infection.ako 2x na nag ka UTI okay naman si baby.di ka naman reresetahan ng gamot ng OB mo kung ikakapahamak ni baby.
Anonymous