Ung yaya po kasi ng tatay ng boyfriend ko umalis na. Ung pangalawang katulong nagpositive po kasi sa swabtest kaya di na ulit sila naghanap. Sayang kasi sa pera at baka mag positive nanaman. Ngayon pinastay muna ko ng bf ko dito sakanila para matulungan ko sya sa papa nya na senior 72yrs old, hirap na kasi sya maglakad. Need talaga bantayan at baka kasi madapa. Sabi ko din sige kasi kawawa naman di nya maiwanan pag need nya bumili ng pagkain.. Kaso eto na, nung andito na ko. Parati na sya umaalis at napunta sa barkada at pinsan nya. Iniiwanan nya ko dito at madaling araw na sya nauwi. Sobrang nabwisit ako. Ang feeling ko tuloy, pinastay nya lang ako dito para may tagabantay ng tatay nya at tagalinis ng bahay at makagala sya. Kagabi napuno na ko, sinabi ko sabay ako sakanya bukas pagalis nya, uuwi ako samin, sunduin na lang nya ako pag pauwi na sya. Natahimik sya. Di sya nakasagot. After ko sabihin un, biglang di na nya ko pinansin. Sobrang tigas ng mukha. Di ako papayag na sya nasa galaan at ako ang taga bantay ng tatay nya. Ang problema ko kasi gumastos sya ng 3k para sa swab test ko kasi di ako makakapasok dito sa condo nila pag walang swab test. Gusto ko ng umuwi samin. 😢 Pano ba gagawin ko. 😥 Dapat ba ko magalit sa ginagawa nya na iiwanan nya ko dito. Baka kasi nagooverreact lang ako. 😔