275 Các câu trả lời

Sa first baby /panganay ko po walang antitetanus. hindi ko pa kasi alam na needed po talaga yun at kung saan pwede magpaturok. tinanung lang ako ng OB kung nagvisit naba ako ng center tapos yango lang ng yango... thankful din kasi nanganak naman ako normal delivery pero just to be safe need pa rin po ang antitetanus kasi hindi po natin nakikita yung mga dumi na maaring pumasok sa ating katawan sa panganganak po.

supposedly 14-20 weeks ang turok ng anti tetanus base sa pregnancy guide book na binigay sakin ng OB ko. pero ako 18 weeks nako now ,sobrang alaga nung ob ko pero di niya ako sinuggest for anti tetanus vaccine. baka po depende sa pagmonitor sainyo ng ob niyo if need po kayo ivaccine nun or hindi na. better next check up niyo po ask niyo mamsh sa ob niyo about sa anti tetanus vaccine.

na remember ko 15 weeks buntis pa lng ako nag pre-natal ako sa brgy namin tinurukan na ako ng anti tetanus after 1 hour pag uwi namin sa bahay nag bleeding ako buti na lng nag pa ER ako agad kase kung hnd na agapan mawawala si baby ko mas advisable mag pag turok mag mdyu malaki na kunti ang tyan, kaya parang natatakot na ako mag paturok ulit pero kailangan sa proteksyon ng baby.

5months preggy here going 6 months. Actually ,Anti tetanus for prevention lang yan, hndi sya rinecommend sakin ni OB pero sinuggest nya for prevention . FOR EXAMPLE, baka maabutan ka manganak sa labas ng ospital, at qng anong gunting nlng gamitin pamutol s pusod ni baby. OR, baka accidentally makagat or makalmot ng pusa or masugatan ng kinakalawang alambre.

18 weeks and 5 days nalaman ko gender ni baby...pag boy daw kxe madali makita gender....19 weeks preggy here.

Hello po, question lang po, last night kasi na-pako ako and 'yung mother ko dinala agad ako sa hosp, 18 weeks na po ako now and kagabi tinurukan po ako anti-tetanus each braso, okay lang po ba 'yon? good for five years na daw po 'yon, 'di na rin po nilagay sa booklet ko, sabihin ko na lang daw po kapag nag-pa check up ako, thankyou po!

Ako naman po 4months ako nagpacheck sa RHU dito sa health center namin, may program kasi dito tungkol sa mga buntis na may sinusunod na buwan ng pagtuturok ng anti tetanuns. Sa guide nila ay dapat 3months start maturukan ng anti tetanus. Pero kakapaturok ko lang po kahapon tapos next month yung kasunod, i am 22weeks pregnant

sa first born ko po Hindi man ako nakapagpa anti tetanus, Wala Naman po problem. pero sa second nka-inject po ako. tapos ngayon sa third, at 6 months hndi pa din po ako nakapagpainject. nkausap ko po ob ko Ang Sabi mas importante po ngayon ung flu vaccine sa akin. pero baka later on din po painject din nya ako.

hi po, im 24 weeks pregnant on my 2nd child and nakaschedule ako ng anti tetanous toxoid vaccine on oct. 4 pang 2nd dose ko na ito.. pero nacomplete ko naman ung doses ng tetanois toxoid don sa 1st child ko na 6years and a half old na ngaun.. wala po kaya magiging problem or effect sa upcoming baby ko?

kung 1st time mommy ka Po 2 beses ka Po tuturukan Ng anti tetanus pero kung pang 2nd naman na Po 7yrs daw Po bago maturukan ulit Ng anti tetanus ..yan Sabi saken Ng OB kase last week lang Ako naturukan ulit kase daw expired na Yung anti tetanus ko 7yrs kase nasundan 1st Kong baby .24weeks Ako lastweek

May OB din po ako na nagaalaga sakin kaso nakakalimutan ko lagi itanong yung anti tetanus na vaccine. Kaya sa health center nalang ako nagpaturok. May mommy and baby guide book kasi na binibigay sa health center. Hindi ko din alam kung dito lang yun sa RHU samin or lahat ba yun dito sa Pilipinas

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan