Public Hospital

Twice na akong nakakapagpacheck up dito sa ospital namin, cant afford kasi sa OB. tinalikuran ako ng tatay ni baby. ganun ba talaga sa public hospitals? kulang kulang yung gamit? yung pakikinig ng heartbeat ni baby pa naman sa doopler yung main reason ko kung bakit ako nagtyatyaga mag-antay sa mabagal na serbisyo nila tas pag ako na yung checheck upin e sobrang bilis tas mali mali pa, sabi nung doktor next week kelangan ko na daw weekly pumunta dun, edi nagtaka ako tapos inulit ko pa sabi ko po? Weekly? Bakit po? Sagot nya sakin syempre daw 30 weeks na ako, e ang bilang ko 18weeks palang ako. Hindi nalang ako umangal. Then ayun na nga, sabi ko dok hindi po ba papakinggan heartbeat ni baby? Sabi nya sige higa ka na dun, edi excited na ako nagpaalam ako if pwedeng i-video kasi kita ko namang may doopler sa paanan nung bed e, tas ayun nadisappoint ako pagkasabing sa stetoscope nya daw papakinggan at sira daw yun. Feeling ko tulong sobrang nagsayang lang ako ng araw, oras at panahon pagpunta sa ospital na yun kasi ni hindi manlang nila sinusukat yung tummy ko. 3rd pregnancy ko na to, and yung sa mga nauna nasa ibang lugar kami, at sa center palang super complete na ng gamit, may doopler na at masasabi ko talagang alaga kami. Yung dati naming place e hindi sa manila at 3 hours away lang dito sa lugar ko ngayon. Ganun din ba public hospital sainyo?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

May mga ganyan po talagang Public hospitals, pag dyan kapo nanganak, pwede mo rin maexperience yung dalawa kayo sa kama. Bale apat kayo kasama yung mga baby nyo. Ganun kasi sa kapatid ko.

5y trước

okay lang nman yung sa bed. yung sa check ups lang talaga. kaya lang no choice naman ako eh, wala kasing pera para magpa-ob pa. wala din namang ibang public hospital dito.

Anong hospital po yan? Parang mas maigi pa sa center/lying in magpa check..

5y trước

tsaka pagka-turok ng tetanus at pagkabigay ng ferrous sakin na parang masama pa loob e itinaboy na ako sa ospital. Dun na daw ako magpapabalik balik ng check up. Haaaays! Anyway ayun nga, san ba magandang magpacheck up na public hospital sa Quezon city? Near novaliches sana