SUHI?

Hello po. First time mom po ako. Ganto po kasi nangyari. Galing po ako kanina sa OB ko para magpacheck up. Tapos nung pinahiga na po ako para pakinggan yung heartbeat ng baby ko. Sobrang tagal di nya mahanap. Wala daw syang marinig. So ako, natatakot na ko pero alam ko naman sa sarili ko na okay yung baby ko. Tapos nung ang tagal nyang hinanap hanap, biglang pumasok yung assistant nya. Sabi ng ob ko, "ikaw nga. Wala kong marinig." Edi yung asst nya yung nag ano sa tyan ko. Tas ayun. Medyo matagal din pero nahanap naman o narinig yung heartbeat. Kaso mga mamsh ang taas daw ng posisyon ni baby. Kaya pala yung nararamdaman kong mga kicks nya medyo mataas din di pa nga naniniwala yung partner ko na si baby yun kasi bat daw ang taas. 🙄 Tas sabi ng asst ng ob ko, "ang taas ng baby mo. suhi to" Peroooo nung 4months palang po yung tyan ko, nagpaultrasound ako. And nahanap naman agad yung heartbeat ng baby ko. Di naman sya nahirapan. And di ganun kataas yung paghanap nya. (ibang ob at ibang clinic ako nagpaultrasound dun samin sa QC) Bat po ganun? Malikot po baby ko? Mababago pa po ba posisyon nya and ano pong dapat gawin? Wala akong ibang mapagtanungan since wala ko sa QC kung san nandun sila mama and tita ko. (5months na po tyan ko) Help me poooo.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

mahirap po talaga pag doppler lang gamit. yan din sabi ng Ob ko. kaya better pag Ob mo is Ob/Sono para lagi may ultrasound kada checkup. nakaka relieve talaga makita at marinig heartbeat ni baby every checkup lalo sa panahon ngayon. may possibility pa naman po na umikot si baby. magpatugtog lang kayo sa bandang pempem and mag shine ng flashlight sa may puson.

Đọc thêm
4y trước

Opo nga eh. Salamat po sa pagsagot. 🥰