Tutubuan po ba ng ngipin pag ganito?
Tutubuan po ba ng ngipin baby ko ganyan po poops nya 3x a day sya kung magpoop minsan 4x a day. Nilalagnat din po sya, pabalik balik yung lagnat nya. Pure breast feeding po sya
Naglalaway, iritable at low grade fever po ang mga normal symptoms ng teething. Yung sipon, ubo and/ or pagtatae ay HINDI po dahil sa pag-iipin dahil nakukuha po ang mga yun sa mga viruses, germs o bacteria. Kapag nag-iipin po kasi si baby nangangati ang gums nya at may tendency na magsubo at ngatngat ng kanyang kamay o kung ano man ang madampot nya, at doon sya nakakakuha ng sakit. Make sure po lagi malinis kamay ni baby at mga toys nya, huwag hayaan magsubo ng kung anu-ano para maiwasan ang sakit. Ipacheck-up na lng po at kung nagtatae, siguraduhing hindi madehydrate.
Đọc thêm