Pa RANT lang po ako

Turning 2 months na si baby and as a first time mom excited ako to celebrate yung milestone niya na yun every month so balak ko maghanda, sinabi ko sa mama ko yung plano ko pero pagkasabi ko sa knya para pa syang nainis sakin at sinabihan ako na wag nalang. Nagulat at nainis ako nung marinig ko yun kaya di ko nalang siya kinibo. Naiinis ako kasi pakiramdam ko tinitipid niya yung anak ko, kahit na di naman ako hihingi na panggastos sa knya kasi may trabaho at sariling pera naman ako nagagamitin at nagulat ako kasi meron akong dalawang pamagkin na medjo malaki na ngayon, yung mga yun noon nung nagmomonthly milestones sila abalang abala pa sya para paghandaan sila kahit na ang layo ng bahay nila sa amin. Naiintindihan ko na gusto niya nagtipid or ayaw niya ako gumastos pero ang nasa isip ko isang beses lang naman yun at naawa ako sa anak ko na di ko man lang sya mapaghandaan. Gusto ko sumagot sa mama ko kanina kaso iniisip ko kung sa paanong paraan na di niya mararamdaman na binabastos ko sya at ayaw ko sana na magtampo sya sakin. Hays di ko alam kung anong gagawin ko. #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

For me po, gusto ko rin po yung ganong idea na may ihanda kay baby every month pero para po sakin nowadays mas priority yung savings nya kasi mabilis lang din naman ang panahon mas paghahandaan ko ang baby ko pagdating nya ng 1 year old kasi pansin ko sa iba like relatives or friends yung tipong biglang nagkaroon ng emergency na kailangan mo ng ganito ganyan, kaso nakagastos ka nung nakaraan ayon sisi sa huli. Sa panahon kasi natin ngayon ang tataas na ng bilihin 1k mo ngayon ilang items lang. Base lang po sa opinion ko yan minsan need mo rin maging praktikal di dahil sa pinagkakait mo kay baby pero kung kakayanin mo icelebrate na DIY lang yung makakatipid ka talaga, why not diba? Simpleng pictorials lang kay baby okay na yon.

Đọc thêm

Same siya ng nanay ko na ayaw sa gastos. Pero in the end pera ko naman at siya ang nasa poder ko. Their opinion matters pero kung independent ka na talaga in all aspects kailangan lang ipa intindi sa kanila. Minsan may takot tayo sa mga Nanay natin kasi kailangan pa natin sila at mas nagmmatter yung opinion nila dahil wala rin tayong twala sa desisyon natin. Kailangan mo rin muna mag decide kung ano ang nag mmatter sayo at sa anak mo. The family you came from is important pero the family that we created is the one that matters kasi ikaw na ang bumuo nito.

Đọc thêm

Hi sana all hindi palasagot kasi ako sumasagot talaga ako sa magulang ko🤦‍♀️ anyway alam mo naman tama ka.. At anak mo yan.. Apo lang nila yan. Ikaw ang magdedesisyon at pera mo yan momsh wala na sila pake dun sa totoo lang...kaya gora mi gawin mo lahat ng gusto mo para sa anak mo kasi tulad nga ng sabi mo minsan lang yan dumaan sila sa milestones na ganyan after 1year naman na di mo na gaganyanin yan e. Basta pakita mo nalang sa mudra mo na di ka nahihirapan kaya mo ang gastos.. Lahat ibibigay mo para sa anak mo

Đọc thêm
2y trước

Sumasagot ako sa mama ko kapag mali sya at kung alam ko na mas makakabuti sa anak ko. My daughter, my rules. Kung hahayaan ko kasi ang nanay ko na mag desisyon sa anak ko, iisipin lang nya na okay lang sa akin kahit hindi sya mag-paalam. Example, ilalabas nya, at mga ibang pamahiin ng matatanda, etc.

Minsan advance Ang parents natin. Like may naipon ka na ba para sa baby mo? ipon means nasecure mo na ba ung pag aaral Ng anak mo? health insurance ok na ba? It's ok to celebrate (ung simple lang) Kasi di pa Naman alam Ng Bata Yan..di pa Yan tatatak sa utak niya.sayo oo (ok na ung konting pakain sa loob Ng bahay at syempre cute pictorials Kay baby) pero kung bongga Yan. huwag nalang bongga. ( isipin mo iniisip Ng magulang mo) .magulang ka na din.

Đọc thêm

may work ka naman at may sariling pera go lang po if yan ang gusto mo. Anak mo naman po yan bsta makse sure na ikaw ang gagastos every month. Invite mo nalang sila every month. Or bigay ka ng food, concern lang si mommy mo kase gawa sa inflation ngayon, alam mo naman mahal ang bilihin na at mas mdme pang ibang bagay na pwedeng gamitin sa pera pero desisyon mo po yan mommy anak mo naman po yan you don't need others opinion as long na kaya mong pag gastusan at di mababaon sa utang ☺️

Đọc thêm

baka kaya ayaw ng mama mo kasi tulad ng sinabe mo abala siya nuon sa dalawa mong pamangkin, baka ayaw na niya ulit mapagod ng ganun at baka may edad na siya. baka un agad pumasok sa isip niya na magiging abala na naman siya. or naanticipate niya na mageexpect ka na maging abala din siya sa celebration ng anak mo katulad nung sa pamangkin mo. explain lang ulit kay mama na wala siya gagastusin at dadalo lang siya at mahalaga para sayo na andun siya. 🙂

Đọc thêm

mamsh kung alam mong ikasisiya at ikagaganda ng baby mo gowww!! kung hndi man ganun ka supportive si mama mo wala na tayo magagawa jan 😄 ang importante masaya ka at maaadapt ni baby yun mas maapriciate nya yan paglaki nya gow lang ng gow mars collect ka ng mga memories then pakita mo kay baby pag tanda nya wapakels na sa negativity basta kung ano gsto mong gawin para sa ikabubuti ni baby gow!! wag msydo pa apekto laban lang 😘

Đọc thêm

mommy, it's your baby po. kung parang hindi natuwa si mother mo sa sinabi mong plan, it's okay kasi ikaw naman ang gagastos para sa anak mo. naiintindihan ko yung excitement mo na mag 2 months na si baby, and ganun din ako kahit hindi ko pa napapanganak si baby ko. kaya okay lang yan mommy, paghandaan mo si baby kung gaano kasimple o kabongga yung gusto mo. cheers to you and to your 2-month-old baby! 🥂 🎉

Đọc thêm

desisyon mo po yan as a mom kung gusto mo pag handaanvai baby do it po. kasi pag laki ni baby di mo na yan magagawa sa kanya. yaan mo na lang po si mama mo basta magawa mo gusto mo para sa anak mo.. mahirap yung feeling na nag sisisi ka sa huki dahil hindi mo nagawa yung gusto mong gawin.. ako nga pregnant palang pero every month akong nag cecelebrate ng monthly pregnancy ko parang monthsary lang ang peg.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kung may sarili ka nang pang gastos mi at di naman makakaapekto sa daily needs nyo yung pera, bili ka kahit simpleng number cake lang. kase ganun kami noon, cake at pansit na donate pa ng relatives namin sobrang saya ko na 💕 mahalaga masunod mo gusto mo sa anak mo. Anak mo na yan mi. Somewhat di na need iinform sila sa mga gagawin natin sa anak natin 🙏

Đọc thêm