30 Các câu trả lời
Yung pagkakaroon ng shape ng katawan na sinasabi mo is genetics. Kung maganda yung katawan na pagmamanahan niya,ke bigkisan mo yan or Hindi,lalabas yung natural na ganda ng katawan pagsapit ng tamang edad. Pero kung wala sa lahi niyo yung makurbang katawan, kahit bigkisan mo yan hanggang 20 years old, Wala ka magagawa jan. Ako nabigkisan ako nung baby ako dahil d pa siguro uso pedia pedia sa nanay ko😆 ang kagandahan lang is hindi nakausli pusod ko, regarding naman sa katawan ko may shape talaga ito dahil buong lahi namin mahubog ang balakang. Yung kapatid ko, hindi nabigkisan pero parehas lang kami ng katawan na may korte dahil namana namin sa nanay. While yung pusod niya,compara saken is mejo mas nakalabas yung kanya.
not true sis juskooo jaan din ako sorang sora sa nanay ko mismo apura pa bigkis e lalaki pa baby ko napaka hassle at walang balakang kaya ang ending bumababa at nababasa ng wiwi, nabababad kapag gabe at di ko napansin agad. di ko rin alam gagawin ko sa nanay ko 3months na kami nag aaway tungkol jan pero makulit. 1month ko lang napag tiisan mag bigkis, the rest 2mos ayoko na napagod na ko at baby ko ang mamamaho kung susundin ko sya. kapag naman mag sakit si baby sya pa nagpapadala sa pedia, pero ayaw naman maniwala sa pedia na hindi safe ang bigkis. napaka kuleeet
Ikaw ang nanay, makinig ka sa may alam hindi sa mga pamahiin o tradisyon ng sinaunang panahon na hindi naman pinag-aralan. Hindi lahat ng nakagisnang tradisyon tama. Yung shape ng katawan nakadepende sa genes ng magulang at sa way of living ng tao balang araw. Hindi naman lahat ng nabigkisan nung baby sila sexy at nakalubog ang pusod ngayon. Stand for what is right kahit magalit sila sayo.
binigkisan din ako mi ng mama ko nung baby pako pero wala naman shape katawan ko😂 pero ang maganda dun is yung pusod ko paloob hindi palabas😁 pwede mo naman bigkisan si baby para di masanggi sanggi pero wag lang mahigpit para di mahirapan si baby mo huminga. pero better na pakinggan mo ang pedia mas alam nila yan hehe
di pwede ang bigkis, mahihirapan huminga si baby kasi belly breathing pa sila. sabi din ng MIL ko bakit di ko binibigkisan. mas nakinig ako sa pedia dahil si pedia ang mas nakakaalam. ang korte ng katawan depende sa genes ng magulang. kung wala kayo korte, ganun din si baby paglaki.
Mas maganda pa din newborn may bigkis at depende naman sa pagtali para makahinga si baby eh. Pero depende pa din sayo sis saan ka maniniwala! Ako kasi since sa panganay ko hanggang ngayon ibibigkis kopa rin kahit 1month lang naman.kahit yung iba di na niniwala eh! Kanya-kanya lang po yan. 😊
not true. bawal na nga po ang bigkis kasi nakaksagabal yun sa paghinga ng baby.. ang mga babies sa tyan huminhinga, hindi pa nila nagagamit ng maayos ang lungs nila. hayaan mo lang ate, mama at tita mo. basta kung ano sinabi ni oedia mo, yun ang sundin..
wala pong basehan na nakakalobo or nakakawala ng korte ang hindi pagbibigkis. Nangyayari po iyon kung tabain po talaga ang family niyo (genes) or kung malakas ba kumain. Bakit ganon hindi parin po makaalpas sa mga pamahiin ang ibang tao. 😅 Pakinggan niyo po si Pedia mommy.
makinig po sa pedia at sila ang expert, yun newborn ko isang beses ko lang nabigkisan Mil ko nagbigkis, tas sunod hindi na, kasi parang hirap huminga kahit maluwag naman. May napanood ako na video ng pedia na hindi dapat binibigkisan. kahit di bigkisan okay lang po
Kaya po pinagbabawal ng doctors ang pagbibikis lalo na kung newborn dahil po sa risk for infection. Need kasi malinis lagi ang pusod ni baby at tuyo. Hindi naman po true ung walang korte pag lumaki ang bata pag hindi nabigkis nung baby.
Anj Gacosta- Pasion