Hindi komportable ng may kasama sa bahay

Toxic po ba ako kung hindi ako komportable ng may kasama sa bahay? May sarili na kaming tirahan ni hubby pero iisang kwarto lang, ung SIL at MIL ko naman palaging nandito sa bahay. Minsan naiiwan si SIL magkakasama kami sa kwarto, eh ako minsan walang tulog need ko rin ng peace of mind kaso nakikipag siksikan pa sa higaan namin. Hindi ako makatulog at makapag relax kasi hindi po ako sanay ng may kasama lalo nat magtatagal doon. Introvert po kasi ako kaya mas gusto ko na ako lang/kami lang ni hubby ang nasa bahay. Di ko rin alam paano sasabihin na need niya na din umuwi kasi gagabihin na siya. Hindi kasi ako makakilos ng maayos kpag may ibang tao. Buntis pa man din ako 😥 #advicepls sana mapansin po ito need ko po advice. Salamat po

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

You should tell your hubby. Then talk about a proper solution. Bakit po ba sila nakikitira sainyo in the first place? If hindi valid yung reason then pwede niyo sabihin sa hubby niyo yung nararamdaman niyo kapag may ibang tao sa bahay. Para si hubby nalang yung makikipag usap sa kanilang dalawa about sa situation mo (if nahihiya ka makipag usap sa dalawa ofc). Your feelings are valid, hindi ka toxic. If hindi ka talaga comfortable then you should speak up. For me, I'm not used around people rin. Mas gusto ko na mag isa kasi mas nakakakilos ako around the house, if you know what I mean. But it's okay din naman to have company pero sana marunong sila lumugar (NO OFFENSE). For example, gabing gabi na syempre you need to rest diba? Dapat makaramdam na wag na sumiksik sa higaan niyo lalo na't buntis ka. It's your call mommy. Advice lang hehe. 💗

Đọc thêm

I feel you Momsh. May mga tao kasi na walang paki sa ibang tao. As long as comfortable sila sa lugar at sa tao. Yung SIL ko din kahit gusto ko ng matulog nasa kwarto sya kwento ng kwento. Ang gagawin ko lang patutulugin ko si baby para lumabas na siya ng kwarto 😂 Sguro sa case mo, tulugan mo na lang sya or ikaw ang mag adjust para makapag muni-muni po kayo. Mag headset at makinig ng music sa salas.

Đọc thêm