42 Các câu trả lời
Yes sobrang emotional pag preggy. Emotional ako dahil nao-overwhelmed ako pag may mga bagay na nakakatuwa dun ako naluluha, for example may mag thank you sakin kasi bnigyan ko ng oras pra mabigyan sya advise at makinig sa prob, makapanuod ako ng about good samaritan, yung naiisip ko na ang blessed ko kasi may kinakain ako palagi at d nammroblema sa food. 😂 hindi ako nalulungkot pag magisa, mas natutuwa ako kasi d ko to naexperience dati puro work lang dati walang "me" time hahaha.
Yes po. Ang hirap lalo na ako minsan mag isa akong naiiwan dito sa bahay. Ni wala akong makausap. Konti lang kasi kapit bahay dito samen tas diko pa kilala. May eksena pa minsan nukwan na pag umuwi na mister ko galing trabaho tas lalapitan na niya ako naiiyak nalang ako bigla tas yayakapin siya na parang taon na di ko nakita kahit maghapon lang naman. Hays. Buhay ng mga buntis.
haha so true ! ako nga haha ayaw na ayaw ko ung kinikiss ako ng asawa ko kasi naiirita ko pero oag di nya ko kiniss nagagalit ako😂 tapos lagi akong iritable pag anjan sya sa paligid ko pero namimiss ko sya pag nasa work na sya 😂. lagi nga akong na eexcite pag tumatawag sya kahit naka duty sya 😂 para kong may toyo 😂
Sobrang emotional haysss lalo na ang paryner mo nasa ibang bansa kung ano ano lagi napasok sa isip mo na nakakalungkot. Pray lng po after naka feel ng ganon, ganyan ginagawa ko kinakausap ko si lord para nakahinga ako ng maluwag
Same situation mommy. nasa province ako tapos asawa ko nasa manila subrang hirap talaga😥 pero pag iniisip ko ang sakripisyo ng asawa ko at nakikita ko si baby mas tinatatagan ko nalang loob. Pray lang always momsh💪🙏
Buti ka pa. Mas gusto ko magisa ako sa house kahit buntis ako kasi hawak ko oras ko. Pero shempre naimmiiss ko pa rin naman asawa ko kapag nasa work siya. What I mean, sanay ako magisa "maghapon" hehehhe
Totoo yan mamsh. Yung partner ko pag lumabas lang may kailangan asikasuhin hinahanap hanap ko kaagad tapos mangiyak ngiyak na ko nun pag natatagalan sya hahaha namimiss ko kagad yung partner ko 😅
Yes sis ako din. Bigla na lng ako naiyak. Lalo at wala ako makausap at nasa work ang asawa ko. Naiisip ko ang sacrifice nia saamin ni baby. Sya kasi nagawa lahat kasi nga maselan ako mag buntia.
true po lalo na nasa bahay kanang asawa. naninibago sa mga kasama tapos pagkauwi ng asawa iiyak ako akala niya sinasaktan ako ng family niya hindi niya alam sobrang lungkot ko lang hehe
True yan. Kasi idle yung mind naten so kung anu ano mga pumapasok sa isip naten mostly negative. Try mo maghanap ng mapagkakaabalahan mo para di ka masyado mabored and malungkot.