72 Các câu trả lời
Sabi po ng iba nakakalaki daw po ng baby, ganun din sabi ng ob ko, kasi matamis daw. Pero ako, hindi naman ako natatamisan sa anmum. Parang wala nga kalasa lasa for me. 😂 Pinagbawas lang ako ng scoop ng ob ko, nung sinabi ko na umaga at gabi ako nainom ng anmum. 2 scoop nalang daw ako per drink ko ng gatas, instead of 4 scoop na talagang dapat ay sukat nya. Normal naman daw po weight ng baby ko, based on our ultrasound last month. Siguro kasi, mahina lang din kasi talaga ako kumain ng rice. Kaya normal padin lahat, even napakahilig ko din sa matatamis. 😊😁
Yes po totoo po sinabi mismo ni OB ko. Kaya pala hndi nya ako pnainom ng anmum then ako lng ang uminom, nung nlaman nyang uminom ako sinabi lng nya na pag 7 months mo stop na yan kasi nkakalaki yan ng baby pero 4 months plang nagstop na ako kasi d q na kaya nsusuka ako.
ako po @ 6 months tumigil na kasi pricey! narealize ko din na masustansya naman lahat ang pagkain ko araw araw at may prenatal vitamins pa! nung first and 2nd term ko kasi hirap ako kumain at sinusuka lahat ng itake na vitamins kaya nag milk ako.
Yes. Pinainom ako ob ko anmum dahil di ako nag gain ng weight at low normal weight si baby. After 1 month parang lumobo tiyan ko at nag gain ako ng 8-10 lbs. Check up uli namin maya sana lumaki din si baby hindi lang ako 😅
Update: lumaki na si baby ko pero sakto lang, ang layo pa niya sa over. From 900g at 25 4/7 weeks to 1400g at 29 4/7 weeks. Mas madami pa din nilaki ko kesa kay baby 😅
Yes! Based on my exp..lahat ng anak q malaki.kc nka prenatal milk aq non hanggang sa mnganak aq.pero now 3rd baby q..d aq masyado uminom ng prenatal milk d q rin kc like lasa...vitamins lng aq bumawi
Ask your OB po, yung OB ko po kasi hindi tlga ngpapainom ng khit anong maternal milk dhil nga po sa sugar content, nkakalaki nga daw po ng baby. Sapat nmn n po yun vitamins n iniinom at healthy diet
Promama ung sabi ng ob ko pero hirap ako makahanap.. Kaya nag anmum iniinom ko laki ni baby ko ng lumabas unlike sa mga una ko baby pero same lang din naman ininom ko milk anmum
Ito sabi ng nasa booklet ko. Ako naman kasi nag aanmum pero di naman lumalaki ng sobra baby ko nasa kontrol din kasi yan mommy wag sa gatas isisisi. 😊😊
Tingin ko mamsh. Kaya po di ako nagtake ng milk. Nagcalcium lang po ako. Tska feeling ko mas matindi yung paglilihi ko at pagkaselan ko nung nainom ako ng gatas. 😂
Opo kasi may sugar content sya. Pero may health benefits pa din. May mga ob na nag aadvise na uminom ka ng milk meron din hindi pero dpende sa needs mo at ni baby
HDM